Dalawang Taon Ang LumipasTinitigan ko ang babaeng nasa harap ng malaking salamin. Pamilyar ang hugis ng kaniyang mukha, pero ang lahat ng nakikita ko ngayon ay isang malaking kasinungalingan. I perfect disguise I carefully made.Dahan-dahan kong inilapat ang huling tuldok ng brown na eyeliner sa pisngi ko, nagdadagdag ng isa pang pekeng pekas na aagaw ng atensyon mula sa natural na kinis ng balat ko. Kinuha ko ang isang maliit na makeup brush at maingat na iginuhit ang isang pekeng nunal sa ibabang bahagi ng aking baba.Pagkatapos, sinuklay ko pababa ang buhok ng suot kong wig, isang maiksi, kulot, at dry na ash-brown na buhok. Para makumpleto ang lahat, isinuot ko ang isang makapal at malapad na eyeglasses na halos tumakip sa kalahati ng mukha ko at nagtago sa totoong hugis ng aking mga mata.Humakbang ako nang paatras para pagmasdan ang kabuuan ko. Nakasuot ako ng isang maluwang, kupas na button-down polo at mahabang palda. Malayong-malayo ito sa flawless, matapang, at eleganteng hi
Read more