Kabanata 12 Samantha's Point of View Katatapos lang ng rounds ko sa pediatric patients. Naglalakad ako pabalik sa nurses' station para i-check ang mga bagong admit nang bigla na lang may humawak sa braso ko. Hindi ako nagkamali. Si Joshua iyon. Galit na galit siyang hinila ako sa gilid ng hallway, sa may fire exit. Ang lakas ng pagkakahawak niya sa braso ko. Dinig ko ang pagkaluskos ng tela ng white coat ko. Dahil sa ginawa niya, napalingon ang ilang mga tao sa amin. Pati ang mga katrabaho ko sa ospital ay tumigil sa paglalakad. Nakita ko si Nurse Myra na nakatayo malapit sa counter, nakatingin sa amin. Nakita ko rin si Dr. Reyes na bagong galing sa operating room, nakataas pa ang kilay habang pinagmamasdan kami. "Joshua, ano ba!" inis kong bawi sa braso ko nang nakalayo na kami sa mga tao. Pumula ang balat ko sa pagkakahawak niya. Hindi pa rin siya bumibitaw kahit na nasa fire exit na kami. "Bitawan mo ako! Nasasaktan mo na ako!" "Sino yung lalaki mo?!" sigaw niya sa akin. Tumuno
Baca selengkapnya