Share

Kabanata 46

last update publish date: 2026-04-04 03:00:22
Nanginginig ang mga kamay ni Renato habang hawak-hawak ang puting sobre na naglalaman ng DNA Test results. Sa loob ng ilang segundo, tinitigan niya ang selyadong bahagi nito na para bang may mahika itong makakapagpabago sa katotohanang alam na niya sa kanyang loob. Nang sa wakas ay napunit na niya ang sobre at nabasa ang nakalagay, para bang may sumuntok sa kanyang dibdib.

“99.99%... hindi magkatugma.”

Napamura si Renato nang malakas. “Putang ina!”

Halos hindi siya makapaniwala sa nakalagay sa p
Duskara Morvane

Salamat po sa pagbabasa at pag-iwan ng mga komento. Malapit na malaman ni Riley. Hahabulin niya kaya si Vera?

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Aileen Cabreros
Hala nkalimutan ng nagupdate ng author n ito tapusin m nlang Ang kwento
goodnovel comment avatar
Luna Moonfall
Malaman na sana ni Riley
goodnovel comment avatar
Maribel Saldivar
ganyan talaga need pahabahin nang story ni author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 50

    Pinagmasdan ng mga bantay si Carla habang paulit-ulit nitong hinahampas ang rehas ng selda. Halos mamula ang mga palad niya, pero hindi siya tumitigil.“Pakawalan niyo ako rito!” sigaw niya ulit, paos na ang boses. “Wala kayong karapatan na ikulong ako! This is illegal! I have rights!”Isa sa mga pulis ang napailing. “Ma’am, kalma lang. May proseso po tayo.”“Don’t tell me to calm down!” sagot ni Carla. “Tawagan niyo ang abogado ko! I want to get out of here now!”Eksaktong bumukas ang pinto ng detention area. Pumasok si Rico, seryoso ang mukha, kasama ang abogado niyang si Atty. Salazar. Agad napatingin si Carla sa kanila.“Rico…” mahina niyang tawag, pero may halong takot. “Get me out of here. Sabihin mo sa kanila na misunderstanding lang ‘to.”Huminto si Rico sa tapat ng selda. Tiningnan niya si Carla mula ulo hanggang paa. Walang bakas ng awa sa mukha niya.“Misunderstanding?” malamig niyang tanong. “You call attempted murder a misunderstanding?”Napaatras si Carla. “Hindi ko ginaw

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 49

    Nang nakauwi si Rico sa bahay nila, naabutan niyang tulog na si Vera. Mahimbing na natutulog sa kanilang kama hawak ang ultrasound ng batang nawala noong isang taon.Huminto si Rico sa may pintuan. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa asawa niya bago dahan-dahang naglakad palapit.Napabuntong-hininga siya nang makita ang hawak ni Vera. “You’re still holding on to that…” mahina niyang sabi sa sarili.Umupo si Rico sa tabi ng asawa pagkatapos niyang ayusin ang kumot nito. Maingat niyang inayos ang buhok ni Vera na nakaharang sa mukha nito.“Hindi ka pa rin nakaka-move on…” bulong niya. Hanggang ngayon, wala pa ring lakas si Rico na aminin kay Vera ang nalalaman niya kung bakit siya naaksidente noon at nawala ang bata sa sinapupunan nito.Napapikit siya. “If you find out the truth… will you still look at me the same way?” tanong niya sa sarili.Si Carla ang may kasalanan kung bakit nasagasaan si Vera noon at nawala ang bata sa sinapupunan.Napahawak si Rico sa noo niya. “I should’ve to

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 48

    Nakatutok lamang si Vera sa dating ultrasound ng batang nawala sa sinapupunan niya noong si Riley pa ang naging asawa niya. Hanggang ngayon, walang alam si Riley na nabuntis siya. Dahil akala ni Riley, baog si Vera.Tahimik ang loob ng opisina niya. Nakaupo siya sa swivel chair habang hawak ang ultrasound copy. Paulit-ulit niyang tinitingnan iyon, para bang may mababago kung titignan niya pa nang mas matagal.Pinunasan niya ang namumuong luha sa mga mata niya. Hindi pa rin nawala sa isipan niya ang sinabi ni Rico kanina. Na ang batang si Lily ay hindi pala anak ni Riley kay Carla. Anak iyon ng ibang lalaki at si Riley ang ginawang ama.“Ang sakit…” mahina niyang bulong sa sarili. “Ang dali lang pala para sa kanila na manloko…” Hinawakan niya ang papel gamit ang nanginginig niyang kamay. “Kung nalaman mo lang sana… Riley,” dagdag niya, tila kinakausap ang wala. “Kung nalaman mo lang na may anak tayo noon…”Napapikit si Vera. Bumalik sa alaala niya ang araw na nawalan siya ng malay matap

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 47

    “Sir, inatake po sa puso ang Daddy niyo,” sabi ng trusted secretary ni Rico na si Liza.Nanigas ang kamay ni Rico sa paghawak ng cellphone. Hindi agad siya nakapagsalita. Ilang segundo siyang natulala habang pinipigilan ang sarili na mag-react.“Ano?” malamig ngunit mabigat niyang tanong. “Anong nangyari? Kailan?”“Ngayong hapon po, Sir. Dinala na po siya sa ospital. Critical po ang kondisyon niya ngayon,” sagot ni Liza, halatang kinakabahan din.Pumikit si Rico. Mahigpit niyang kinuyom ang kamay na may hawak ng cellphone.“Bantayan ninyo ang lahat ng nangyayari roon. Walang lalabas na impormasyon na hindi ko alam. I want updates every minute. Naiintindihan mo?” mariin niyang utos.“Yes, Sir.”Binaba ni Rico ang tawag pero hindi niya agad naibaba ang cellphone. Para siyang nawalan ng lakas.Pauwi pa lang sila ni Vera sa Pilipinas. Katatapos lang ng medical mission ng kaniyang asawa sa Africa.Kahapon lang ay inutusan niya ang tauhan niyang ipadala kay Renato ang tungkol sa batang si Li

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 46

    Nanginginig ang mga kamay ni Renato habang hawak-hawak ang puting sobre na naglalaman ng DNA Test results. Sa loob ng ilang segundo, tinitigan niya ang selyadong bahagi nito na para bang may mahika itong makakapagpabago sa katotohanang alam na niya sa kanyang loob. Nang sa wakas ay napunit na niya ang sobre at nabasa ang nakalagay, para bang may sumuntok sa kanyang dibdib.“99.99%... hindi magkatugma.”Napamura si Renato nang malakas. “Putang ina!”Halos hindi siya makapaniwala sa nakalagay sa papel. Ang batang si Lily, ang pinagbuhusan niya ng pagmamahal bilang apo, ay hindi pala kadugo ni Riley. Ang mga mata niyang puno ng galit ay halos manlilisik sa doctor na nakatayo sa harapan niya, nag-aalalang pinagmamasdan ang bawat kilos niya.“Kung mali ‘to, tatanggalin ko ang lisensiya mo, Dok! Naiintindihan mo ba?” galit na sigaw ni Renato, sabay kuha sa kwelyo ng doctor at mariing itinaas ito nang bahagya. Nanginginig ang mga daliri ng matanda sa sobrang galit at pagkadismaya.“S-Sir Rena

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 45

    “Kailan niyo ba talaga ibibigay sa akin ang kompanya?!” sigaw ni Riley sa kaniyang ama nang pumasok siya sa opisina nito, halatang galit at biglang sumabog ang pagkairita.Nanliliksik ang mga mata ng matanda sa inasal ng bunso niyang anak kaya huminto siya sa kaniyang ginagawang pagbabasa ng mga dokumento at sinugod si Riley.Isang malakas na suntok ang nakuha ni Riley sa kaniyang amang si Renato. Napahawak siya sa labi nang malasahan ang dugo, halatang hindi niya inaasahan ang biglaang galit ng matanda.“What's wrong with you, Dad?!” sigaw ni Riley, nanginginig ang boses sa galit.Masamang tumingin si Renato sa anak. “Riley… hanggang kailan ka pa magagalit?” tanong niya, halatang pilit kinokontrol ang galit na para bang sisimulang sumabog.Sa totoo lang, hanggang ngayon ay walang balak talaga si Renato na ibigay kay Riley ang kompanya. Wala siyang tiwala sa bunso niyang anak dahil alam niyang kung si Riley ang hahawak, siguradong babagsak ang Garcia Prime Construction—ang kompanya na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status