Sa kabilang banda, malayo sa gulo ng apartment, nasa mall si Lira kasama ang nanay at kapatid niya. Kahit mabigat pa rin ang dibdib niya, pinilit niyang ngumiti. Ayaw niyang ipakita sa pamilya niya kung gaano siya nasasaktan.“Ma, tingnan niyo ‘to,” sabi ni Lira habang hawak ang isang magandang dress. “Bagay sa inyo.”Napangiti ang nanay niya pero agad ding napailing.“Naku anak, wag na. Mahal ‘yan,” sagot nito.“Nay naman,” medyo natawa si Lira. “Wag niyo na isipin yun. May sahod naman ako. Sige na, isukat niyo na. Minsan lang naman ‘to.”“Sigurado ka ba?” tanong ng nanay niya.“Oo naman,” ngiti ni Lira. “Deserve niyo ‘yan.”Sa huli, napapayag din ang nanay niya at pumasok sa fitting room.Habang naghihintay si Lira sa labas, bantay sa kapatid niyang masayang naglalaro sa upuan, sandali siyang natahimik.Napabuntong hininga siya.Kahit pilit siyang nagpapakatatag, bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari.Si Nathaniel.Si Vanessa.At… yung nangyari sa kanila.Napapikit siya saglit.
Last Updated : 2026-03-21 Read more