Mag-log inNagkalat ang mga nilukot na papel sa apartment ni Kasumi. Ang bawat isang papel ay may bahid ng frustration, galit at ng mga luhang pilit niyang pinipigilan.Nakatingin siya sa mga kamay niya. Ang kanang kamay niya na ginamit niya para lumikha ng mga obrang nagpabago sa mundo ng fashion. Sinubukan niya, Diyos ang saksi kung paano niya sinubukang pilitin ang kanang kamay niya na humawak ulit ng lapis. Ngunit nanginginig pa rin ito. Bawat guhit ay liko at bawat linya ay sumisigaw ng kapansanan.Pero nang maalala niya ang tawag ni Mr. Solomon kanina, parang may isang maliit na baga na muling nag-alab sa malamig at madilim niyang puso.“Kung hindi na kaya ng kanan… bakit hindi ko subukan ang kaliwa?”Huminga ng malalim si Kasumi. Kinuha niya ang lapis gamit ang kanyang kaliwang kamay. Hindi siya sanay at mabigat. Ibang-iba sa nakasanayan niya ngunit pumikit siya at pinagana ang imahinasyon na hindi kailanman nanakaw sa kanya.Unti-unti, idinikit niya ang dulo ng graphite sa blangkong pap
Sa kabilang banda, kararating lang ni Kasumi sa loob ng kanyang apartment. Ibinagsak niya ang susi at ang kanyang bag sa counter ng kusina. Madilim, malamig at sobrang tahimik ng silid.Agad siyang dumiretso sa banyo para maligo, umaasang matatangay ng mainit na tubig ang matinding pagod at bigat na nakadagan sa dibdib niya. Ngunit paglabas niya at paghiga sa malambot na kama, doon niya naramdaman ang epekto ng pag-iisa.Akala niya, kapag nakawala siya sa mansyon at kay Aslan, makakahinga siya ng maluwag. Akala niya, magiging payapa ang utak niya pero bakit ganito? Bakit pakiramdam niya sobrang lungkot niya? "Mommy… Hug mo 'ko, Mommy!” Napamulat si Kasumi, mabilis siyang napabangon at nilingon ang pinto ng kwarto. Si Kira iyon ah ngunit walang Kira siyang nakita. Nilingon niya ang madilim na sulok ng kwarto at sa isang iglap, parang nakita niya ang matangkad na bulto ni Aslan, nakatayo roon at nakatitig sa kanya gamit ang mga matang nagmamakaawa.Napakurap-kurap siya’t agad na nawa
Nang marinig ni Aslan ang sagot ng asawa, agad siyang nakahinga ng maluwag. Nang malaman niyang sumugod si Kasumi sa Antipolo, pakiramdam niya ay luluwa na ang puso niya sa kaba. Akala niya, itatakas nito ang mga bata at hindi na magpapakita pa. Kahit paano ngayon, kahit imposibleng mangyari ang kondisyon, may rason pa rin siya para manatili sa buhay nito.“Kasumi, pwede ba kitang halikan? Kahit isang beses lang?” paos niyang pakiusap.Pero hindi na niya hinintay ang sagot. Bago pa man makaiwas si Kasumi, mariin na niyang inangkin ang mga labi nito.Mainit, marahas at punong-puno ng desperasyon. Ginamit ni Aslan ang pagkakataon para ipasok ang dila niya’t ninanakaw ang lahat ng hangin ni Kasumi habang kinakabisa ang bawat sulok ng bibig nito. Wala siyang ibinigay na pagkakataong makahinga ang dalaga. Para bang kapag binitawan niya ito, tuluyan na itong maglalaho na parang bula.Akmang itutulak sana siya ni Kasumi, ngunit sa sobrang tindi at lalim ng halik niya nanlambot ang mga tuho
Sa loob ng tahimik na basement, dahan-dahang inilayo ni Aslan ang mukha niya habang nanginginig sa tuwa. Nakahinga siya ng maluwag, akala niya, katapusan na niya na kanina. Akala niya, iiwan na siya ni Kasumi pero nagkamali siya."Baby," bulong ni Aslan, akmang hahalik ulit. "Salamat… Salamat kasi hindi mo ako binitawan—"Pero bago pa lumapat ang labi niya, isang malamig na kamay ang tumakip sa bibig niya.Agad na nagulat si Aslan, ang kaninang mainit at nakangiting Kasumi na nakasandal sa dibdib niya ay biglang nagbago ng aura. Dahan-dahang itinulak ni Kasumi ang dibdib ni Aslan hanggang sa makakawala siya sa yakap nito.Pinunasan ni Kasumi ang sarili niyang labi gamit ang likod ng kanyang kamay."Umalis na siya," malamig at blangkong sabi ni Kasumi. "Tapos na ang palabas ko."Kumunot ang noo ni Aslan, biglang may malamig na kaba na gumapang sa gulugod niya. Pilit siyang ngumiti habang inaabot ang kamay ng dalaga. "K-Kasumi, anong ibig mong sabihin? D-Diba sabi mo hindi tayo maghihi
Napaawang ang labi ni Margareth, bakit hindi ganun ang pagkaka-expect niya? Hindi ba't may trauma ito? Hindi ba't sensitive ito sa mga panloloko? Bakit sa halip na layuan nito si Aslan, siya pa ang ginugulpi nito?!Dahil sa panghihina sa araw-araw na pagkuha sa kanya ng dugo, wala ng lakas na lumaban si Margareth. "W-Walang hiya ka, Kasumi! May gana ka pang manampal—""Bakit, bawal ba?!" malamig na putol ni Kasumi. "Sinira mo ang mga kamay ko! Kumuha ka pa ng mga tauhan para sirain ang preno ng sasakyan ko! Kulang pa ang sampal na 'yan para sa lahat ng pagtatangka mo sa buhay ko! Dapat sa'yo, tinatapos na eh!"Kinuha ni Kasumi ang pocket knife sa loob ng bag niya. Gusto lang niya itong gamitin para takutin ang babae, para maranasan nito ang takot na naramdaman niya noong mga panahong nasa bingit siya ng kamatayan.Ngunit bago pa man niya mabuksan ang talim, isang desperado at nanginginig na boses ang umalingawngaw mula sa pinto.“Kasumi, huwag!"Mabilis pa sa kidlat na tumakbo si Asla
Napaawang ang labi ni Margareth, bakit hindi ganun ang pagkaka-expect niya? Hindi ba't may trauma ito? Hindi ba't sensitive ito sa mga panloloko? Bakit sa halip na layuan nito si Aslan, siya pa ang ginugulpi nito?!Dahil sa panghihina sa araw-araw na pagkuha sa kanya ng dugo, wala ng lakas na lumaban si Margareth. "W-Walang hiya ka, Kasumi! May gana ka pang manampal—""Bakit, bawal ba?!" malamig na putol ni Kasumi. "Sinira mo ang mga kamay ko! Kumuha ka pa ng mga tauhan para sirain ang preno ng sasakyan ko! Kulang pa ang sampal na 'yan para sa lahat ng pagtatangka mo sa buhay ko! Dapat sa'yo, tinatapos na eh!"Kinuha ni Kasumi ang pocket knife sa loob ng bag niya. Gusto lang niya itong gamitin para takutin ang babae, para maranasan nito ang takot na naramdaman niya noong mga panahong nasa bingit siya ng kamatayan.Ngunit bago pa man niya mabuksan ang talim, isang desperado at nanginginig na boses ang umalingawngaw mula sa pinto.“Kasumi, huwag!"Mabilis pa sa kidlat na tumakbo si Asla
Gusto sana niyang gamitin ang lagnat niya kanina para maglambing. Pero hindi niya inasahan na ang simpleng pagyakap niya ay magdudulot ng ganito katinding pisikal na reaksyon.Gustong-gusto niyang lumapit para hagurin ang likod nito at para patahanin ito. Pero hindi siya makagalaw. Baka oras na hum
Agad na ibinaba ni Kasumi ang tawag at akmang tatalikod na sana para kumuha ng medicine kit nang may biglang may mainit at malaking kamay na mahigpit na humablot sa pulso niya!Sa isang mabilis na paghila, nawalan ng balanse si Kasumi at tuluyang bumagsak pababa, diretso sa malapad at nag-aapoy na
Bumungad agad ang boses ni TJ na sumisigaw sa galit. "Aslan, hayop ka! Kung gusto mong agawin kay Cohen si Kasumi, lumaban ka ng patas! Hindi mo ba naiisip na napaka rumi ng ginagawa mo ngayon?!"Kanina pa masama ang timpla ni Aslan kaya nang murahin siya nito ng walang pakundangan, sumabog na rin
Bawat salitang binitawan ni Mr. Tan ay parang libu-libong pinong karayom na walang-awang tumatarak sa bawat ugat at kalamnan sa katawan ni Aslan.Para lang makuha ang investment na magliligtas sa project niya, nagpaka-yaya si Kasumi sa anak ng iba sa loob ng dalawang buwan. Ibinaba nito ang pride

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





