Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“What about your sibling?” tanong ko sa kaniya, habang nakatitig sa kaniyang mga mata.“And what about him?” tanong niya sa akin.Ngumiti naman ako sa kaniya nang tipid, dahil parang may nahimigan ako sa kaniyang boses.Hindi ko alam kung guni-guni ko ba ‘yon, o kung ano. Pero gusto ko lang kasing malaman kung ilang ba silang magkakapatid.Parang gusto ko kasi talaga siyang kilalanin, eh. ‘Yong tipong lahat ng tungkol sa kaniya ay gusto kong malaman, importante man, o hindi.Kaya sinisimulan ko talaga sa pamilya niya, dahil nga raw gusto na nila akong makita.Hindi naman puwedeng magpunta ako roon, at makipagkita sa kanila nang hindi ko sila nakikilala, hindi ba?Para namang hindi ako interesado sa buhay ni Killian kung ganoon, at ayaw kong ganoon ang isipin niya, dahil kung tutuusin, gusto ko siyang
Read more