Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View Noong una, hindi talaga ako naniwala sa sinabi ni Killian. Sa katunayan nga ay nag-aalangan pa akong ibigay sa kaniya ang details ng mga ‘yon. Ngunit kinukulit kasi talaga ako ni Killian, eh. ‘Yong kahit pilit ko na ‘yong hindi pinapansin ay siya pa rin mismo ang makaiisip, at makaaalala? Alam kong hindi ko dapat inaabuso si Killian, pero siya talaga mismo ang namimilit sa akin. Kaya ang ending, nalaman ko na lamang na nabili na pala talaga ni Killian ang shares ng mga ‘yon, at ibinigay niya mismo kay Mrs. Rivanov. Kagaya ng sinabi niya, mas gusto kasi ng Mommy niya ang tungkol sa skin care. Mahilig daw kasi talaga siya rito, at ine-encourage nga niya ang mga anak niyang gumamit no’n. Kahit man lang daw sunblock, saka sunscreen. Maging ang asawa niya, gumagamit na rin no’n, pero si Killian ay hindi pa. “Try mo kaya ‘tong sunscreen, then sabihin mo sa akin kung mabigat ba siya sa mukha, o malagkit?” tanong ko kay Killian, habang siya ay nagt
Read more