Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View Nang tumigil ang sasakyan, napasulyap ako kay Killian na ngayon ay nagtatanggal na ng kaniyang suot na seat belt. Ako namam, nag-aalangan pa kung tatanggalin ko na ba, o hindi. Parang gusto ko na kasing umuwi, eh. Pero ano na lang ang iisipin ni Killian kung ‘yon ang sinabi ko, hindi ba? Napasulyap siya sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa tinatanggal ang suot kong seat belt. Kaya naman sinalubong ko ang kaniyang mga mata, at nag-aalangang ngumiti sa kaniya. “Are you okay?” tanong nito, at may halo pang pag-aalala. Tumango ako bilang sagot, at pasimpleng humugot nang malalim na hininga, saka tinanggal ang suot kong seat belt. “Yes. Sadyang kinakabahan lang talaga ako,” saad ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa kape. Kaya ganito na lang ang nerbyos, at pag
Read more