Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPinanood ko si Killian na ngayon ay nagluluto ng aming hapunan. Ang sabi niya ay hindi na kami kakain sa labas, dahil ang gusto niya ay kumain dito.Ang original kasi talaga naming plano ay ang kakain kami sa labas, pero nagbago ang isip niya. Kaya heto, nagluluto siya ngayon ng sinigang, dahil ‘yon ang gusto kong kainin ngayon.Sakto kasing umuulan kanina, at kahit hindi na kami mag-air conditioner ni Killian ay ayos lang, dahil malamig naman.May electric fan din naman si Killian, eh. Kaya ayos lang talaga sa akin. Ang kaso lang ay mahilig yata sa malamig si Killian.Pagpasok ko pa lang kasi rito kanina sa loob ay nakabukas na ang mga air conditioner, at ilaw, eh. Parang automatic ang lahat, at talagang hindi na kailangan pang buksan gamit ang remote.“Tulungan kita?” tanong ko sa kaniya, dahil baka mamaya ay hindi na naman niya ako payagan, at basta na lang kunin ang mga madadampot ko.Napatingin siya sa akin, habang naghahati ng mga gulay, pe
Read more