Se connecterRavenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNarinig ko naman ang pagbukas ng pinto, pero hindi ko na ‘yon nilingon pa, dahil naradmaman ko kaagad ang presensiya ni Killian.Kaagad siyang lumapit sa akin, at mabilis akong dinaluhan na para bang may alam siya sa nangyari.“Who called you?” tanong niya sa akin na siya namang ikinaangat ng aking tingin.Sinalubong ko ang kaniyang titig na ngayon ay parang ako lang ang kaniyang nakikita, at hindi ko naman maipaliwanag ang sayang naramdaman ko lalo na nang makita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.Mas lamang nga lang doon ang galit, dahil kahit hindi na niya ako tanungin kung sino ang tumawag, may
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“May balita ka ba kay Liam?” tanong ko kay Killian, habang kami ay nasa hapag.Napansin ko naman ang pag-angat niya ng kaniyang tingin, at parang naguluhan kung bakit bigla ko na lamang tinanong si Liam kung gayon na hindi naman dapat.Kaya lang ay gusto ko talagang malaman kung alam nila kung nasaan siya. Kailangan kong mag-ingat. Paano kasi kung bigla na lang na naman siyang lumitaw, kahit pa may mga tauhan naman si Killian para bantayan ako?Hindi naman kasi puwedeng maging kampante na lamang ako, eh. Kailangan ko pa rin namang maging maingat, dahil baka mamaya ay nasa likod ko lang pala siya nang hindi ko nalalaman.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewMabilis lumipas ang araw, at hindi ko naman mapigilang makaramdam ng lungkot lalo pa’t ngayon ang huling araw namin dito.Kahit papaano ay aaminin ko namang nag-enjoy ako rito sa Spain. Hindi ko pa man napupuntahan lahat ng magagandang lugar dito, aaminin kong kahit papaano ay nagkaroon ng puwang sa puso ko ang Spain.Isa rin kasi sa naging dahilan ay si Killian, eh. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko mapupuntahan, at masusubukan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. First time kong sumakay sa kabayo, at gamitin ‘to para makapunta sa kung saan.First time ko ring magpunta sa falls, at maligo roon, kahit na alam kong delikado. ‘Yong mga bagay na alam kong hind
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“May pupuntahan ba tayo?” tanong ko sa kaniya, habang pinatatakbo niya ang kabayo.Medyo may kabagalan lang din ang pagpapatakbo niya, at hindi mabilis kagaya ng inaasahan ko.Hindi rin masiyadong maaraw ngayon, which is mas maganda, dahil hindi namin ramdam ang init.Napangiti na lang tuloy ako sa malawak na lupain. Medyo malayo rin ang bundok sa puwesto namin, pero kapag binilisan ni Killian ang pagpapatakbo nito ay posible na wala pang kalahating oras ay malapit na kami roon.“Yes. Pupunta tayo sa pinakamalapit na falls dito,” sagot niya na siya namang ikinasinghap ko.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPagkalabas ko sa comfort room, tiningnan ko kaagad ang aking sarili sa salamin.Kasalukuyan akong nakasuot ng white fitted long sleeves kaya hapit talaga ‘yon sa katawan ko, at kitang-kita ko rin ang hulma ng aking katawan.Nakasuot din ako nang itim na fitted pants, at higit sa lahat ay nakasuot din ako nang white boots na aabot lamang sa aking ankle.Itinali ko rin ang itim, at mahaba kong buhok, ngunit nang hindi ako makuntento ay pinili ko naman ‘tong itirintas.Naglagay rin ako nang kaunting makeup sa aking mukha para hindi naman maputla ang kutis ko kapag naarawan.Nang makuntento
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewKinabukasan ay napagpasiyahan namin ni Killian na lumabas, at mamasyal muna rito sa Seville, Spain. Ang sabi niya ay maganda raw manood ng live flamenco dancing ngayon, tapos bukas ay pupunta naman kami sa isang beach na tingin ko ay aabutin nang ilang oras ang biyahe.Wala namang problema sa akin kung malayo, dahil ang mahalaga sa akin ay ma-enjoy talaga namin ni Killian ang bakasyon namin.Hindi ‘yong puro na lang ako tulog nang tulog. Saka isa pa, hindi ko rin naman problema ang gastos.Magmula kasi nang makarating kami rito ni Killian sa Spain ay siya na ang bahala sa lahat. Hindi niya ako hinahayaang gumastos. Kaya thankful talaga ako, dahil kahit papaano ay nakapagtitipid ako.Isa pa, libre rin ang proteksyon ko, dahil mga tauhan niya mismo ang mga bodyguard namin.“Ilang oras ang biyahe papunta sa sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya.Hindi kasi ako pamilyar dito, at mukhang si Killian ay sanay na sanay rito sa Spain.Hindi nga siya gumagamit
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Bodyguard ba kita?” tanong ko sa kaniya, naghihina, at parang unti-unti na talagang natutunaw ang aking inis. “Bakit mo naman ako babantayan?”He smirked. Gumalaw siya, at parang itinapon ang kaniyang sigarilyo, habang ako ay nanatili lamang nakatitig sa kani
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“More than that?” ulit ko sa kaniyang sinabi.Natawa ako nang bahagya, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paanong magiging ganoon ‘yon kung alam naman naming pareho na ilang beses lang kaming nagkita?Hindi ko siya kilala. Saka ko lang siya nakilala nan
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPasimple kong kinagat ang aking ibabang labi nang mapansin na nakatingin pa rin sa akin si Killian. Nasa harapan ko kasi siya, at hindi man lang niya inililihis ang kaniyang mga mata magmula nang umupo siya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.Kahit siguro
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNatahimik ako matapos ang naging usapan namin. Wala rin ni isa sa amin ang nagsasalita, pero ramdam kong hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa akin.“Steak,” simpleng saad ko nang tanungin ng waiter ang aking order.Humugot ako nang malalim na hininga par







