Mariing napapikit si Billy. Hindi niya maunawaan ang sinasabi nito, "Joke ba yan?"Kumunot ang noo ni Samantha, bago tinapunan ng tingin ang lalaki, "sa palagay mo ba, magbibiro ako sayo, hindi naman tayo close? Abnormal ka ba?"Inutusan naman ni Luis ang mga tauhan na ilabas si Quinoy, saka linisin ang mga bahid ng dugo na nagkalat sa mga bato at lupa ng bakuran.Tumalikod na si Samantha, saka naglakad na papasok sa loob ng medyo hindi na maayos na bahay. Binuksan niya ang ilaw sa loob. Sumunod naman si Billy sa kanya. Napansin ng lalaki, na hindi man kaaya aya ang anyo ng bahay mula sa labas, mukha naman itong maayos na tirahan sa loob.Muli na namang sumigid sa ilong ni Billy ang familiar na amoy na iyon ni Samantha. Ang banayad na matamis na amoy, na parang napakabata pa ng nakatira sa bahay na iyon. Pati na ang mga kagamitan na nasa loob ng bahay, ay talagang tatak Samantha."Ngayon, magpaliwanag ka!" utos ni Billy, matapos isara ang pinto, saka siya idiniin sa pader, "Bakit ka u
Huling Na-update : 2026-02-01 Magbasa pa