ログインMalakas na kumulog sa labas.Kasunod noon ang nakakabinging tunog ng ulan na walang tigil sa pagbuhos sa bubong ng lumang apartment. Paminsan-minsan ay may matatalim na kidlat na sumisilip sa madilim na silid, sapat lamang upang bahagyang luminaw ang mukha ni Billy—at sapat din upang mas lalong kabahan si Samantha.Nakasandal siya sa dingding habang pilit pinapakalma ang kanyang sarili.Hindi lang dahil sa mga lalaking nasa kabilang unit.Kundi dahil pakiramdam niya ay unti-unting nanghihina ang kanyang katawan.Kanina pa masama ang pakiramdam niya. Mula pa umaga ay halos hindi siya nakakain dahil sa sunod-sunod na problema sa restaurant at sa mga tenant. Nagkape lang siya, saka nagtuloy-tuloy sa trabaho.At ngayong gabi…pakiramdam niya ay bumibigay na ang katawan niya.“Ano bang nangyayari sa’yo?” puna ni Billy nang mapansing namumutla siya.“Ayos lang ako,” mabilis niyang sagot.Pero kabaligtaran noon ang totoo.Nahihilo siya.Parang umiikot ang paligid.Pinilit niyang tumayo nang
WALANG KURYENTE.Biglang nagdilim ang buong isla.Mula sa mga kabahayan hanggang sa malalayong establisimyento sa tabing-dagat, isa-isang namatay ang mga ilaw. Tanging tunog ng malalakas na alon at hangin ang pumalit sa dating maingay na paligid.Napamura si Samantha habang paulit-ulit na pinipindot ang power button ng kanyang laptop.“Ano ba naman…” inis niyang bulong. “Ngayon pa talaga?”Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at sumandal sa upuan. Mabuti sana kung sakop ng generator ang buong building, pero hindi. Ang generator na nabili niya noon ay sapat lang para sa maliit niyang restaurant sa ibaba. Hindi na niya naisamang ipaayos ang para sa mga paupahan at sarili niyang unit dahil sa sobrang mahal ng gastos.At ngayong gabi pa talaga nagloko ang panahon.“Ugh… lowbat pa,” dagdag niya nang makita ang halos mamamatay nang screen ng cellphone niya.Wala siyang magawa kundi maupo sa dilim habang pinakikinggan ang malakas na ulan sa labas.Ngunit maya-maya—parang may narinig s
Naglakad si Samantha palayo, pilit na pinapatatag ang bawat hakbang kahit na sa loob niya ay tila gumuho ang isang dam ng emosyon. Hindi niya nilingon si Billy. Alam niyang kapag lumingon siya, baka makita niya ang hitsura nitong wasak, at baka manghina na naman ang kanyang puso. Pumasok siya sa loob ng restaurant, ang lamig ng aircon ay agad na yumakap sa kanyang nag-aapoy na pisngi.Namasyal muna siya saglit, saka tumawag sa isang restaurant upang magpareserve ng table. Bago pa man siya makalapit sa lugar, punatak na ag malakas na ulan.PAGDATING NIYA SA LUGAR..Hinanap niya ang kanyang table, ngunit laking gulat niya nang makitang may nakaupo na doon—isang pamilya na masayang kumakain. Tumingin siya sa paligid, puno ang lahat ng mesa. Ang ingay ng tawanan at kalantog ng mga pinggan ay tila nanunukso sa kanyang nararamdamang pag-iisa."Miss, sorry po, wala na po tayong bakanteng table," lapit ng isang waiter sa kanya. "Pero kung gusto niyo po, doon sa may sulok, may isang upuan pa p
"Hindi ko naman sinasadyang galitin ka.. pasensiya ka na," sabi pa ni Billy."Sorry, taken ka na pala," sabi ng lalaking kausap ni Samantha."No-- no! hindi--" ngunit hindi na siya pinakinggan ng lalaki. Tuluyan na iyong umalis.Naiinis siyang humarap kay Billy. Nais na niya itong sampalin"Anong katarantaduhan ang ginagawa mo?" nakatikwas ang kanyang kilay habang nakatingin sa lalaki, "bakit mo sinisira ang diskarte ko?""Sam, sabi mo sa akin, may boyfriend ka na, pero nakuha mo pang makipagharutan sa ibang lalaki?" sabi ni Billy sa kanya."Wala kang pakialam!" naiirita niyang sagot.“Wala kang pakialam!” naiirita niyang sagot.“Talaga bang wala?” bahagyang yumuko si Billy para magpantay ang tingin nila. “Eh bakit parang galit na galit ka? Hindi ba dapat wala ka ring pakialam sa ginagawa ko?”Napaatras si Samantha ng isang hakbang, tila nabigla sa tanong. Saglit siyang natahimik, ngunit agad ding bumawi.“Hindi ako galit,” mariin niyang sabi, kahit halatang nanginginig ang boses niya
NAKAUPO si Sam sa isang bench, ng muling masilayan ang kanyang ex. May dala itong dalawang buko shake. Papalapit sa kanya si Billy, kaya nagkunwari siyang hindi ito nakita."Alam kong nakita mo na akong papalapit sayo, nag iwas ka pa ng tingin," naupo ito sa tabi niya.Hindi siya nag abalang tumingin sa lalaki. Nanatili siyang nanonood ng mga nagsusurfing."Sayo nga pala to," iniusog ni Billy ang dalang shake."Ayoko. Magagalit ang boyfriend ko." Sabi niya."Sinong boyfriend mo? yung kapitbahay mo sa itaas?""Oo nga, ang kulit mo."Pagak na natawa si Billy, "siguro, pangit yun no? kanina ko pa hinihintay lumabas, wala siya eh.""Mas guwapo pa siya sayo." hindi pa rin niya tinitingnan si Billy.Hindi niya napansin ang kakaibang ngiti ni Billy."Mas guwapo pa sakin? Nakakita ka na ba ng lalaking mas guwapo pa sakin?"Doon niya lang tiningnan ang lalaki. Saka ito sinipat, mula ulo hanggang paa."Madami.. lalo na yung mga AFAM na gumagala dito. Ano namang tingin mo sa sarili mo, gold? FYI
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Sam.Hindi pa sumisilip nang maayos ang araw nang bumangon siya. Tahimik pa ang paligid, at ang hangin ay may bahid pa ng lamig ng gabi. Sanay na siyang gumising nang ganito kaaga—parang ito na lang ang oras na tunay niyang nararamdaman ang katahimikan.Alas singko pa lamang ng umaga nang maglakad siya sa dalampasigan.Paborito niya ang oras na iyon—wala pang gaanong tao, malinis ang hangin, at tila ba kanya ang buong isla. Ang buhangin ay malamig pa sa kanyang mga paa, at ang dagat ay kalmado, parang natutulog pa rin. Sa malayo, maririnig ang banayad na paghampas ng alon, na tila ba isang oyayi na paulit-ulit na inuusal ng kalikasan.Huminga siya nang malalim.Dito, kahit sandali, nakakalimutan niya ang lahat.Habang naglalakad siya, napansin niya ang isang grupo ng mga lalaking tila bagong dating. Nakaupo ang mga ito malapit sa dalampasigan, may dalang mga bote at malakas ang tawanan. Hindi niya sana papansinin, ngunit ramdam niyang may isa
Tiningnan niya si Virgilio at biglang naging kasing-lamig ng yelo ang kanyang mga mata.“Siguro, hindi mo talaga ako itinuring na tunay na anak.”Napakahalaga kay Virgilio ng kanyang reputasyon. Hindi niya inakalang ilalabas ni Samantha ang kanyang mga pagkukulang sa harap ng lahat.“Wala pang tatl
Biglang bumigat ang pakiramdam sa hapag-kainan matapos magsalita ni Lucy.Muling humawak ng kutsara si Samantha at dahan-dahang kumain. Sa mahinahong tinig, sinabi niya, “Ang pendant na iyon ay galing sa mama ko. Sa tingin ko, si Papa ang dapat sumagot tungkol diyan, hindi ba?”Tumingin siya kay Vi
Noong sandaling hahakbang na siya pasulong, tahimik na tumalikod si Billy at naglakad palayo.“Billy!”Nagmamadaling humabol si Hera, hindi mapakali at ayaw bumitaw. Hinawakan niya ang kamay nito, ang kaniyang mukha ay bakas ng matinding pagmamakaawa.“Ganoon na lang ako apihin ng kapatid ko, tapos
Parang sinaksak ang puso ni Hera nang makitang mabilis na nakuha ni Samantha ang gintong susi.“Samantha!”"Ibalik mo ang pendant! Akin ’yan!”“Ibigay mo sa akin ngayon din!”Umalingawngaw sa buong bar ang matitinis na tili ni Hera habang pabalibag siyang sumusugod pasulong. Magulo ang kanyang buho







