Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewNang masiguro naman namin na hindi na sumisilip ang araw, saka naman kami lumabas ni Demetrius ng bahay. May sumbrero naman kaming suot, pero hindi naman ibig sabihin no’n ay protektado na kami sa sinag ng araw kung sakali.Kahit pa nagawa naman na naming mag-apply ng sunscreen, at sunblock, hindi pa rin naman ‘yon guaranteed. Kaya pinilit ko talagang magsuot siya ng sumbrero. May payong nga kaming dala, at mga bimpo, knowing na pawisin ‘tong kasama ko, eh.Hindi naman kasi siya sanay sa mainit na klima, tapos naisakto pang summer dito sa Italy. Iba pa man din ang init ngayon dito.“Malawak talaga ang lupain niyo rito, ‘no?” komento ko, habang tinitingnan ang bukid nila.Kahit maliliit pa naman ang mga tanim nila, parang ilang days lang naman ay lalaki na ulit ang mga ‘to.Sumulyap siya sa akin, pero hindi ko siya nilingon. Nanatili lang akong nakatitig sa mga tanim nila, at hindi maiwasang mamangha.“Bukod dito sa bukid niyo, may mga p
閱讀更多