Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewMay mga binili kami ni Demetrius na pagkain. Puro snacks pa man din lalo na’t pagkatapos kumain ng meal ay maghahanap ako ng mga puwedeng kainin pa.Since nandito nga naman kami sa mall, marami akong nakikitang snacks na puwedeng baunin talaga. Alam kong hindi naman kumakain si Demetrius ng mga hindi healthy. Kung kakain siya, kaunti lang. Titikman lang talaga, at bukod doon ay wala na.“Masarap ba ‘to? Potato raw ‘to,” saad ko, habang binabasa ang mga nakasulat sa packaging. “Ano kaya ang lasa?”“There’s nothing special about that, though. It’s just a deep-fried potato with seasonings.”“Would you recommend it, then?”“Yes, since you love potatoes,” sagot niya kaagad.Napangiti naman ako, at inilagay ‘yon sa cart namin. Nauna kaming bumili ng mga damit namin. Kaya ngayong nasa grocery na kami, kung ano-ano talaga ang nakikita ko. Ni hindi nga nagrereklamo si Demetrius, eh.Kapag magtatanaong ako, sasagutin niya kaagad. Kaya sa tuwing na
閱讀更多