Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewHindi niya ako binitawan. Mas humigpit pa nga ang pagkayayakap niya sa aking baywang, at piniling isubsob na lamang ang kaniyang mukha sa aking leegHumapdi ang aking lalamunan, at napatingin na lamang sa kisame, dahil nasasaktan talaga ako. Wala naman akong balak na gawin ‘to, eh. Wala akong balak na lumayo, pero kailangan ko kasi.Kapag hindi ko ‘to ginawa, paano na ako? Hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko naman kayang magpanggap na wala lang ang lahat, kahit na ang totoo ay nahihirapan talaga ako ngayon.“I love you.”Umiling ako, at hindi na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Kaya mariin kong kinagat ang aking ibabang labi, at pinikit ang aking mga mata para kumuha ng lakas ng loob.“Hindi naman kita pinakasalan, dahil doon. Lahat ng ipinakita, at ipinaramdam ko sa ‘yo ay totoo ‘yon lahat,” paliwanag niya sa akin, pero buo na ang desisyon ko, at hindi na niya mababago ‘yon. “Mahal kita, Solana.”“Kung mahal
閱讀更多