Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewHabang nasa biyahe na ako pauwi, napalilingon ako sa mga alaga ko. Kasalukuyan kasi akong nagmamaneho, at hindi ko na rin sila inilagay sa cage, dahil sanay naman na silang sumakay ng sasakyan.Behave na rin kasi sila kung tutuusin, at hindi na kagaya noon na akala mo ay hindi na sila titigil sa pag-iingay.Nang lingunin ko sila sa rear view mirror, lahat sila ay nakaupo lamang. Kung titigil man ako sa pagmamaneho, ‘yon ay dahil kailangan ko silang pakainin, painumin, o kaya ay paiihiin.Kaya lang ay habang nagmamaneho ako, hindi ko maiwasang mapalingon sa sasakyan na nakabuntot sa akin. Hindi ‘yon pamilyar, at ang nakapagtataka ay hindi yata ‘to isa sa mga bodyguard ko.“Kalaban ba ‘yon?”Wala sa sarili kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ko, at sinubukang tawagan si Demetrius. Hindi ko naman dapat siya kauusapin, pero kailangan lalo na ngayon na may nakasunod sa akin.Unang ring pa lang ng tawag, kaagad na niya ‘tong sinagot. Kay
閱讀更多