Solana Estrella Villanueva Russo’s Point of ViewSa kabila ng pagiging malamig ni Demetrius sa kaniyang mga tauhan, o kahit sino man, kabaliktaran naman no’n sa akin.Malamig nga ang kaniyang mga mata, at walang reaksyon ang kaniyang mukha, pero makikita naman sa galaw niya ‘yon.“Lumayo ka nang kaunti. Hindi ako makapag-prepare ng pagkain niyo,” sambit ko, dahil nasa likod ko siya, at niyayakap ako mula roon.Kung may kailangan man ako, siya rin ang kukuha, ngunit babalik rin naman siya kaagad sa kaniyang puwesto, at yayakapin na naman ako.“Demetrius!” sita ko sa kaniya, dahil naramdaman ko ang paghalik niya ngayon sa aking balikat.Napaungol siya, at kinagat lamang ang aking leeg, dahil sa gigil.Natigil naman ako sa paghihiwa ng mga ingredient ng kanilang sandwich, dahil sa pagiging pilyo niya.Talagang walang pinipiling lugar. Alam naman niyang nandiyan ang mga tauhan niya, pero heto siya, nilalandi ako.“Bakit hindi ka na lang kasi magpunta roon? Halata namang mag pag-uusapan ka
閱讀更多