Laging ganito—kung kailan hindi niya inaasahan, doon pa sila magtatagpo.Para bang kinatutuwaan ng tadhana na asarin siya.Umorder ng kape si Luke, halatang may hinihintay. Samantala, nanatiling nakapako ang mga mata ni Maliya sa kanyang laptop, pilit na binabalewala ang presensya nito.Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng tawag mula kay Adrian.“Nasa sampung minuto na lang at darating na ako,” sabi nito.“Sige.”Ibinaba niya ang telepono, tumayo, at nagtungo sa restroom.Pagbalik niya—Ang lalaki ay nakaupo na mismo sa tapat ng kanyang mesa.Nanigas si Maliya.Sinalubong ni Luke ang kanyang paningin, ang mga mata nito ay malalim at hindi mabasa.Nang mahimasmasan, humakbang siya pasulong at malamig na nagsabi, “Mr. Argente, kung hindi ninyo mamasamain, this table and these chairs are reserved for us. May uupo ho dyaan sa inuupuan ninyo.”Tila walang narinig, inilabas nito ang kanyang phone at nagsalita sa isang malamig at nag-uutos na tono, “Ibigay mo sa akin ang number mo.”Nakatitig
더 보기