JenelynFinals week na, at sa wakas ay narating din namin ang pinakahuling yugto ng semestre. Karamihan sa mga estudyante ay halatang kinakabahan habang abala sa pagrereview ng kani-kanilang notes, pero kakaiba ang nararamdaman ko. Walang kaba na kagaya ng sa iba.Sa halip, panatag ang loob ko dahil alam kong ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para paghandaan ang mga exam na ito. Hindi man ako perpekto, sapat ang tiwala ko sa sarili kong papasa ako.Gayunpaman, hindi ako nagpabaya. Hindi sapat ang confidence lang, kaya kahit pakiramdam kong kaya ko na ang mga exam, naglaan pa rin ako ng oras para balikan ang notes at siguraduhing wala akong nakaligtaang mahalagang detalye. Mas mabuti na ang handa kaysa magsisi kapag tapos na ang lahat.Nang magsimula ang exam, halos automatic na lang ang bawat galaw ko. Isa-isang lumabas sa isip ko ang mga sagot na ilang gabi ko ring inaral. May ilang tanong na kinailangan kong pag-isipan nang mabuti, pero karamihan ay nasagutan ko nang walang pag-aali
Read more