Third PersonHabang nasa Boston ay halos hindi na mawalay si Bradley kay Jenelyn. Kung saan ito magpunta ay naroon din siya, dahilan upang mapagkamalan siya ng ilang empleyado na personal assistant ng babae.Sa totoo lang, wala namang pakialam si Bradley kung ano ang isipin ng iba.Kung tutuusin, mas gusto pa nga niya ang ganoong setup.Basta kasama niya si Jenelyn, wala na siyang ibang hinihiling.Samantala, tila normal na normal lamang iyon para kay Jenelyn. Hindi man niya sabihin nang direkta, kitang-kita sa bawat ngiti at sulyap niya na masaya siyang naroon ang kanyang future husband.Hindi siya naiilang.Hindi siya naiistorbo.Sa halip, mas nagiging magaan ang pakiramdam niya kapag alam niyang nasa loob lang ng silid si Bradley.Habang nagsasagawa siya ng interview sa ilang cardiologists, biomedical engineers, at iba't ibang medical specialists para sa isa sa mga bagong proyekto ng Torrebotics, tahimik lamang na nakaupo si Bradley sa likurang bahagi ng conference room.Paminsan-m
Read more