BradleyUnti-unting humupa ang tawanan namin. Isa-isang ibinaba ng bawat isa ang hawak nilang baso, at napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mga kaibigan ko.Kung kanina ay puro kantiyawan lang ang laman ng usapan namin, ngayon ay tila sabay-sabay silang may naalala.Kilala ko sila nang matagal para hindi mapansin ang pagbabago ng mood nila. Kapag naging ganoon sila katahimik, ibig sabihin ay may seryosong paksa na namang bubuksan.Si David ang unang nagsalita.“Brad,” mahinahon niyang tawag habang nakasandal ang isang siko sa mesa. “Ano na ba talaga ang plano mo?”Napatingin ako sa kanya bago ko isa-isang sinulyapan sina Gareth, Oxford, at Asher. Lahat sila ay seryoso ang mukha. Wala na ang pang-aasar at pangungulit na kanina lang ay halos ikabingi ko.“Plano tungkol saan?” tanong ko, kahit alam ko na ang gusto niyang tukuyin.“Alam mo na ang ibig kong sabihin,” sagot niya. “Nalaman na nating hindi si Mang Mando ang tunay na ama ni Christine. Alam na rin nating maraming butas ang ku
Read more