LOGINThird PersonMabilis na lumipas ang mga araw.Kasabay ng paglipas ng bawat oras ay lalo ring lumalapit ang araw na matagal nang hinihintay ng magkabilang panig—ang araw na magpapabago sa buhay ng buong pamilya Salazar.Sa Salazar Mansion, abala ang lahat sa paghahanda para sa engrandeng pagdiriwang ng ika-limampung kaarawan ni Mildred Salazar. Dumating na ang mga event coordinator, florist, caterer, at iba pang taong inatasan upang tiyaking magiging perpekto ang selebrasyon. Halos bawat sulok ng mansyon ay puno ng mga tauhang abala sa kani-kanilang trabaho.Ngunit sa kabila ng masayang atmospera at engrandeng dekorasyon, may mga taong naghahanda hindi para sa isang birthday celebration...Kundi para sa pagbubunyag ng katotohanan.Sa condominium unit ni Bradley, tahimik na naghahanda ang magkasintahan.Pareho na silang bihis na bihis.Nakasuot si Bradley ng itim na bespoke tuxedo na akmang-akma sa kanyang matangkad at matipunong pangangatawan. Malinis ang ayos ng kanyang buhok, at lalo
Third PersonIlang linggo na lamang ang natitira bago sumapit ang ika-limampung kaarawan ni Mildred Salazar.Katulad ng nakasanayan sa mansyon ng mga Salazar, tahimik na nagsasalo sa almusal ang pamilya sa mahabang dining table. Ang malawak na silid-kainan ay nababalot ng pamilyar na katahimikan na paminsan-minsan lamang napuputol ng mahinang kalansing ng mga kubyertos at pinggan.Naroon sina Alfonso, Mildred, Lolo Ruel, Calvin, Matthew, at Nathan. SI Bradley ay nasa kanyagn condo kasama si Jenelyn.Ngunit kahit wala siya ay alam niya ang mangyayari sa mansyon dahil plinano nila iyong magkakapatid.Tahimik na kumakain si Alfonso habang paminsan-minsang sumusulyap sa asawa. Samantala, si Mildred naman ay elegante pa ring kumikilos, katulad ng nakasanayan nitong gawin sa harap ng pamilya. Walang sinuman ang mag-aakala na sa likod ng mahinahon nitong ekspresyon ay nagtatago ang isang babaeng punong-puno ng kasinungalingan.Sa mahabang panahon ay pinangatawanan ni Mildred ang pagigng kaga
BradleyDalawang araw na ang lumipas mula nang maisagawa ang DNA testing.Sa loob ng dalawang araw na iyon, pilit kong ipinagpatuloy ang normal kong routine bilang Chairman ng Salazar Group. Tuloy ang mga board meetings, tuloy ang pagrepaso ko sa mga kontrata, at tuloy rin ang pakikipagpulong sa iba't ibang investors at business partners. Sa paningin ng lahat, wala namang nagbago. Ako pa rin ang dating Bradley Salazar na kalmado, seryoso, at bihirang magpakita ng emosyon.Ngunit sa likod ng malamig kong ekspresyon ay unti-unti nang nauubos ang pasensya ko.Sa bawat oras na lumilipas, pakiramdam ko ay lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng mundo.Hindi ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng babaeng nakita namin sa video na kuha ni Matt sa loob ng Manrique Medical Hospital.Nakaupo lamang siya sa hospital bed.Payat.Maputla.Tahimik.Halos walang reaksyon sa paligid niya.Kung hindi dahil sa mga mata niya at sa ilang pamilyar na bahagi ng kanyang mukha, malamang ay
BradleyPakiramdam ko ay kaya kong ngumiti buong araw.Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig lang kay Jenelyn matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin iyong umaalingawngaw sa isip ko."If you want to get married, then we can get married."Napakasimple ng pagkakasabi niya, pero para sa akin ay napakalalim ng ibig sabihin noon.Biglang gumaan ang pakiramdam ko na para bang may malaking batong matagal ko nang pasan ang kusang nawala sa dibdib ko.Sino ba naman ang hindi matutuwa sa narinig ko?Mahal ko siya.Mahal na mahal ko siya.Matagal ko nang gustong maging asawa si Jenelyn. Sa bawat araw na lumilipas ay lalo lang akong nagiging sigurado na siya na ang gusto kong makasama habambuhay. Kaya nang sabihin niyang handa na rin siyang maging Mrs. Salazar, halos hindi ako makapaniwala.Pero kasabay ng matinding saya ay may isang tanong ding agad na pumasok sa isip ko.Hindi ba masyado pang maaga?Tahimik akong napabuntong-hininga habang
JenelynKatatapos ko lang maligo nang dumiretso ako sa silid ni Bradley.Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko siyang nakita.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakapagpalit na siya ng pambahay at bahagya pang basa ang buhok niya, senyales na kalalabas lang din niya mula sa banyo.Hindi siya gumagawa ng kahit ano.Tahimik lang siyang nakaupo, tila may malalim na iniisip.Kanina habang sabay kaming naghahapunan ay naikuwento na niya sa akin ang lahat ng nangyari sa mansyon.Hindi ko man nakita ang eksena mismo, ramdam ko ang bigat ng mga pinagdaanan niya.Ikinuwento niya kung paano muling ipinagtanggol ni Alfonso ang babaeng nagpapanggap na Mildred. Kung paano nito pinaniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng impostora.At higit sa lahat, kung gaano kahirap para kay Bradley ang manatiling tahimik.Sapat na sana ang mga ebidensyang hawak nila upang magalit siya.Pero hindi pa sapat ang mga iyon upang tuluyang ilantad ang katotohanan.Kailangan pa rin nilang hintayin ang resul
JenelynAlam kong hindi basta-basta nagpapatawag si Lolo Ruel ng kahit sino sa mansyon, lalo na kung si Bradley ang hinahanap niya. Sa ilang buwan ko nang nakikilala ang pamilya Salazar, alam ko na may sapat siyang dahilan sa tuwing gumagawa siya ng ganoong hakbang.Kaya nang sabihin sa akin ni Bradley na pinapunta siya ng kanyang lolo sa mansyon, hindi ko na siya tinanong pa kung bakit. Pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa nangyayari sa kanilang pamilya. Posibleng may bagong impormasyon, o baka naman muling nagkaroon ng pagtatalo dahil kay Tita Mildred.Habang iniisip ko iyon ay tumayo muna ako mula sa workstation ko. Ilang oras na rin akong nakatutok sa harap ng monitor at nagsusulat ng codes para sa Dr. Machine. Kailangan ko ring bigyan ng pahinga ang sarili ko kahit ilang minuto lang.Nagpunta ako sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso. Tahimik ang buong condo. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at refrigerator ang maririnig. Habang umiinom ako ay hindi k
JenelynPabagsak akong naupo sa malambot na sofa nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan ni Bradley.Pakiramdam ko ay tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa pagod.Buong araw akong nasa biyahe.Mula sa mahabang oras sa eroplano hanggang sa pag-ikot namin sa Fifth Avenue para bumili ng mga damit
JenelynKinabukasan ay mas maaga pa akong nagising kaysa sa nakasanayan ko.Actually, hindi lang “mas maaga.”Halos madaling-araw yata akong bumangon dahil gusto ko nang makaalis agad sa mansyon.Ayaw kong makasabay si Nathan.At mas lalong ayaw kong makita ulit ang mukha niya pagkatapos ng pinag-us
JenelynMaingat kong ipinarada ang aking motor sa basement parking ng building, sa bahaging nakatalaga para sa mga empleyado. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng ilang sasakyan at mahinang yabag ng mga dumaraang staff ang maririnig. Dahan-dahan kong tinanggal ang helmet ko at isinabit iyon sa akin
Jenelyn“Ang nakakainis lang, napasok din sina Celeste at Christine,” reklamo ni Denise habang nakapamewang at nakatitig pa rin sa bulletin board, na para bang mababago nito ang resulta kung titigan niya nang matagal.Napabaling ulit ang tingin ko sa listahan. Nandoon pa rin ang mga pangalan nila, m







