Cyanne’s POVNagising ako dahil sa kakaibang katahimikan.Hindi ‘yung tahimik na payapa… kundi ‘yung tahimik na parang may pumipigil.Lumabas ako ng kwarto at agad ko silang nakita sa sala—si Javier, ang mga magulang niya, at si Veronica. Lahat sila nakatayo. Lahat sila tahimik.Parang may naputol na usapan.“Ano’ng nangyayari?” tanong ko.Walang sumagot agad.Napatingin ako kay Veronica, tapos sa mommy ni Javier. May kung anong hindi maipaliwanag sa titigan nila.“Magkakilala kayo?” diretsahan kong tanong.Saglit silang nagkatinginan.“Hindi,” mabilis na sagot ni Veronica.“Ngayon lang kami nagkakilala,” kalmadong dagdag ng mommy ni Javier. “Nandito lang kami para makiramay.”Tahimik akong tumingin sa kanila isa-isa.“Ah… ganon ba,” sabi ko, kahit ramdam kong may kakaiba.“Cyanne,” mahinang tawag ni Javier, lumapit sa’kin. “Okay ka lang ba?”Tumango ako.“Salamat po sa pagpunta,” sabi ko sa mga magulang niya, pilit na inaayos ang sarili ko.Hindi nagtagal, umalis din ang mga magulang
Baca selengkapnya