Cyanne’s POVDinilat ko ang mga mata ko dahan-dahan. Ilang segundo akong nakatitig lang sa kisame, pilit inaalala kung nasaan ako.Hindi ito ang kwarto ko.Malinis ang paligid. Maayos ang mga gamit. Walang kahit isang alikabok.At doon ko naalala.Nasa bahay ako… ng tunay kong mga magulang.Biglang bumigat ang dibdib ko sa realization na iyon. Hindi na ito panaginip. Hindi na ito haka-haka. Totoo na ang lahat ang pagkatao ko, ang nakaraan ko, at ang mga taong matagal na pala akong hinahanap.Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang sarili. Tahimik ang buong bahay, pero may maririnig akong kaluskos mula sa baba.Bumaba ako ng hagdan, maingat ang bawat hakbang.Pagdating ko sa kusina, natigilan ako.Si Veronica at Leonardo halos natataranta sa paghahanda ng almusal.Punong-puno ang mesa. May pandesal, may waffles, may sinangag, may bacon, may prutas, may cereal, may juice, may gatas… para bang naghahanda sila para sa sampung tao.“Hindi ko alam kung ano ang paborito niya…” mahina kong n
Baca selengkapnya