Javier’s POVNakauwi na ako sa condo.Tahimik. Malinis. Ligtas. Normal.Sa katawan ko… okay. Walang sakit, walang trauma.Pero sa loob… parang may kulang.Parang may puwang sa puso ko na hindi puno ng kahit ano.Parang may naramdaman ako na dapat kong maalala… pero bawat subok ko para maalala, nawawala.Blurred. Malabo. Parang panaginip na hindi ko matandaan pag-gising.Bago ko masagot ang sarili ko, may kumatok sa pinto.Napatingin ako. Hindi ko inaasahan na may bibisita ngayon.Binuksan ko ang pinto, at nagulat ako sa bisitang dumating. Bumungad sakin si Isabella, ang babaeng dapat pakakasalan ko ayon sa agreement ng pamilya namin dalawa.Maganda. Elegant. May hawak na bag. Nakatayo ng diretso sa harap ko, bahagyang nag-aalala ang ngiti.“Hi, Javier,” mahinang sabi niya.“Kamusta ka na? Nabalitaan ko yung nangyari… okay ka na ba?”Napabuntong-hininga ako.“Yes… okay naman. Salamat,” sagot ko, Habang nakatitig ako sa kanya, biglang may malabong lumitaw sa isip ko.Isang alaala ng b
Baca selengkapnya