LOGINNAGULAT si Xander nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Isang tawag iyon galing kay Bella dahilan para mapakunot ang noo niya ng wala sa oras dahil bakit gabi na ay tinatawagan pa siya nito. Mabilis niyang sinagot ang video call. Dalawang maliit na mukha na naka maskara ang bumungad sa kaniya. “Subukan mong awayin ang Mommy ko mananagot ka sa amin!” galit na usal ng isa sa mga ito. Hindi niya maiwasang hindi ma-amaze. Alam niyang may anak na ang babae ngunit indi niya akalain na dalawa pala ang mga ito. Napakahusay talaga. Dahill nga video call iyon ay kitang-kita ng mga ito ang kanyang mukha. Ilang sandali pa ay biglang natutok sa kisame ang camera ng cellphone at narinig niya ang mahinang bulungan ng mga ito. “Tingnan mo, hindi ba at parang kamukha natin siya?” tanong ng bata sa katabi nito. “Hindi kaya siya ang Daddy natin?” Mahina lang ang pagkakatanong nito ngunit malinaw niya pa rin namang narinig ang boses ng mga ito. Napailing na lang siya ng wala sa oras dahi an
HALOS kaaalis alis lang naman ni Bella nang dumating si Xander. Pagbukas niya pa lang ng pinto ay kaagad na niyang naamoy ang mabangong amoy ng pagkain. Mukhang masarap yata ang inihanda ng kanyang tagalinis.Kaagad niyang hinubad ang suot niyang sapatos at binuksan ang lagayan para ilagay doon ang sapatos niya at kuhanin sana ang tsinelas niya ng mapansin niya ang kulay pink na tsinelas doon. Medyo maliit ang size ng paa nito kumpara sa kaniya. Base sa kulay ng tsinelas ay naisip niya na hindi pa ganun katanda siguro ang naglilinis sa bahay niya at kung huhuluaan niya ay baka nasa twenty pa lang ito o nasa early thirties dahil sa choice of color nito. O baka mamaya ay senior citizen na ito? Ang Mommy niya ay nasa fifties na ngunit mahilig pa rin ito sa pink kaya hindi niya tuloy maiwasang hindi mapaisip. Bukod pa doon ay matagal tagal na ri siyang hindi nakauwi sa bahay nila dahil masyado pa siyang busy at ganun din naman ito. Sa ngayon ay nasa ibang bansa ito at nagbabakasyon kas
LIMANG taon, limang taon silang nagsama nito sa iisang bubong simula ng maghiwalay silang dalawa ni Bella at bukod pa doon ay tatlong beses siyang nagpalaglag ng anak nila ngunit naatim pa rin nitong gawin iyon sa kaniya? Limang taon siya nitong kasama ngunit hanggang ngayon ay si Bella pa rin ang tinitibok ng puso nito? Ganun na ba talaga kalalim ang pagmamahal nito sa babaeng iyon at hanggang ngayon ay ito pa rin ang hinahanap hanap nito? Alam niya na simula pa noon ay tanging ito lang ang nasa puso nito ngunit umasa siya na balang araw ay matututunan siya nitong mahalin dahil ginagawa niya naman ang lahat para lang mapasaya ito. Pero bakit? Kulang pa rin ba ang lahat ng iyon? Nanginig ang kanyang mga kabi at maging ang kanyang mga balikat ay nanginig dahil sa matinding galit. “Anong klaseng tao ka ba talaga Kyle huh? Ilang beses ka ng tinanggihan ni Bella pero hanggang ngayon ay pilit mo pa ring ipinagsisiksikan ang sarili mo sa kaniya!” galit na sigaw niya rito. Napakasakit para
UMIKOT si Kyle patungo sa harapan niya at pagkatapos ay hinawakan nito ang mukha niya gamit ang magkabila nitong mga kamay. Napuno ng sakit ang mukha nito. “Bella, hindi mo na ba talaga ako mahal?” puno ng hinanakit nito sa kaniya. “Nakalimutan mo na aba ng mga sinabi mo noon sa akin na ako lang ang lalaking pakakasalan mo at mamahalin mo sa buong buhay mo?” tanong nito sa kaniya.“Nakalimutan mo na ba?” Napuno ng lungkot ang mga mata ni Bella. Paano niya nga ba iyon makakalimutan? Ang lalaking nasa harapan niya ay walang iba kundi ang lalaking una niyang minahal sa buong buhay niya. Oo, aaminin niya na minsan na niyang pinangarap itong makasama sa kanyang buhay bilang asawa niya ngunit noon iyon, iba na ngayon. Idagdag pa na tuluyan ng naglaho ang kanyang nararamdaman para rito, hindi na niya ito mahal pa. Mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanyang mukha.Dahan-dahan niya itong tinanggal. Muli siyang nagpakawala ng isang mahabang bunt
NAKASALUBONG ni Sandra si Bella dahil eksakto itong lumabas sa opisina ng kanyang boss nang akmang papasok naman siya. Nakita niya kung gaano kasama ang mukha nito ng lumabas at kaagad niyang naisip na baka napagtripan na naman ito ng kanyang boss. Hindi niya ba alam ngunit mukhang ito na yata ang bago nitong trip na pagalitan at hindi na siya. Masaya siya na hindi na siya pinapagalitan ng kanyang boss ngunit hindi niya rin naman maiwasang hindi maawa kay Bella dahil nasalo nito ang lahat ng ka-abnohan ng kanilang boss. Napa buntong hininga na lang siya tuloy. Halos kung tutuusin ay dalawang araw pa lang ito sa kumpanya ngunit nakuha na nito kaagad ang atensyon ng kanilang boss. Matalino naman ang babae at bukod pa doon ay napaka sipag pa nito at masasabi niyang napakabait din naman nito dahil ang ilang empleyado ay nakasundo na nito kaagad ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit trip na trip ito ng boss nila. “Sandra, nakausap mo na ba ang may ari ng housekeeping c
NAPA tigil sa paglalakad si Bella nang marinig niya ang tanong ng lalaki. Parang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Huminga siya ng malalim at napapikit bago niya ibinuka ang kanyang bibig. “Sir, pwede bang hindi ko sagutin ang tanong niyo lalo na at hindi naman ito konektado sa trabaho ko?” malamig na tanong niya rito.Pati ba naman ang sarili niyang buhay ay gusto nitong pakialaman. Hindi lahat ng bagay ay kailangan pa nitong malaman. Tama na ang alam nito tungkol sa kaniya. Ngunit wala din itong pakialam at akala mo tsismosong nilalang. “Kapag sinagot mo ang mga tanong ko, sa bawat sagot mo ay magkakaltas ako ng limang daan sa utang mo.” sabi nito sa kaniya.Natigilan naman sandali ni Bella bago tuluyang nagliwanag ang kanyang mga mata. Mukha yatang maganda ang alok nito hindi ba? Kung isang sagot niya ay limang daan ang mababawas sa utang niya ay mas maganda sigurong mag question and answer na lang sila, ngunit bigla siyang napaisip. Ku
“Woah, look who’s here.” nakangising sabi ni Keizer pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng gym na pag-aari ni Knox.Isang matalim na titig ang ipinukol niya rito dahil dito. “Nakakatakot naman…” napayakap pa sa sariling sabi naman ni Eros habang tumatawa.Nagtagis lang ang kanyang mga bagang
NANG lumingon si Addie sa kanyang likuran ay kaagad niyang nakita ang madilim na mukha ng lalaki habang nakatayo ilang metro mula sa kaniya. Halata sa mukha nito ang labis na galit at disappointment. Napalunok siya ng wala sa oras. Kanina pa siya doon?Humakbang ito palapit sa kaniya. Ang mga mata
TININGNAN ni Sevi ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Nakatayo sa gilid malapit sa bintana habang may hawak na baso at may lamang alak. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya sa totoo lang kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon rito. Hindi niya maintindihan ang sarili niy
HALOS hindi magawang i-enjoy ni Addie ang pagkaing nasa harapan niya ng mga oras na iyon kahit na gaano pa iyon kasarap. Paano ba naman ay pinapanood siya ng lalaking nasa harap niya kaya sobrang ilang na ilang siya. Kanina niya pa ito gustong balewalain ngunit paano niya iyon magagawa?Sa huli ay







