“HERBERT!”Malakas na sigaw ni Riva ang umalingawngaw sa silid. Napabalikwas si Herbert mula sa pagkakahiga sa kama, halatang iritado.“Ano na naman?” singhal niya, sabay kusot sa kanyang noo. Halata na ang pagod sa boses niya—at ang pagkainis.Simula nang may mangyari sa pagitan niya at ni Liza, kapatid ni Riva, tila hindi na mapakali ang kanyang asawa. Parang lagi itong may iniisip… o mas tamang sabihing, may pinaghihinalaan.“May problema tayo,” madiing sabi ni Riva.Napabuntong-hininga si Herbert, saka tumayo. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo, nagsindi, at inilawit ang kamay sa bukas na bintana habang hinihithit iyon.“Ano na naman ‘yan?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili.“Nawawala na rin si Enrique,” sagot ni Riva. Napalingon si Herbert.“Ano?”“At hindi lang ‘yan,” dugtong pa niya, mas lalong bumigat ang tono. “Si Jessa… tinanggalan na ng bodyguard ni Malachi. Para bang pinababayaan na lang siya.”Nanlaki ang mga mata ni Herbert.Dalawa sa kanyang mga pamangkin… nawaw
Read more