"Mula sa araw na ito, puputulin mo na ang lahat ng ugnayan sa kanila," mariing sabi ni Emerson. "Iuurong ko ang kaso, ngunit hinding-hindi ka na babalik sa kanila. Hindi ka na nila pwedeng lapitan, kausapin, o saktan muli. Sasama ka sa akin. Magtatrabaho ka para sa akin, at ako ang magbabantay sa kaligtasan mo."Natigilan si Mildred. Batid niyang malaking sakripisyo ito, ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Ang mahalaga sa kanya ay hindi magdusa ang kanyang mga magulang sa malamig na rehas ng kulungan. Dahan-dahan siyang tumango bilang pagsang-ayon."Opo, Sir Emerson. Tinatanggap ko po ang kondisyon ninyo," mahinang sagot ni Mildred.***************Lumipas ang isang linggo. Dahil sa magandang alaga at mga mamahaling gamot na ibinigay ni Emerson, mabilis na naghilom ang mga sugat ni Mildred. Bagaman may mga pasa pa rin sa kanyang katawan, kaya na niyang maglakad nang mag-isa.Sa araw ng kanyang paglabas sa ospital, isang mamahaling sasakyan ang naghihintay sa kanya. Doon niya nalaman
Read more