Nakita nila sa phone ni Jessa, na siya, si Angelyn, si Riva, si Herbert at si Aaron, ay magkakasabwat.May isang phone si Jessa, na nakalaan lang para kay Malachi. Ang nakalagay doon, "My Only Love."May isa pang kasabwat si Jessa, na ang nakapangalan ay "Cha."Base sa usapan ng dalawa, sila ang nagplano ng kamatayan ni Jazz, na utos naman ng ibang mga Robles. Dahil ang nais nila ay malugmok na sa lungkot si Malachi habang buhay.Alam ni Malachi na maloko si Jessa, pero hindi niya akalain, na nag ampon siya ng isang kriminal.Napakalaki niyang gago, dahil iniuwi niya ang isang sawa sa kanilang pamilya.Si Jessa, ay kapatid ng matalik niyang kaibigan noon, na namatay ng dahil sa kanya. Walang nakakaalam noon, maliban kay Yexel.Ang alam ng lahat, napulot lang niya si Jessa sa kalsada at kinaawaan."Ipunin ang lahat ng ebidensiya. Kailangang singilin ang lahat.." utos ni Malachi kay Yexel, saka nilingon si Jazz na natutulog sa kama."Sir, sigurado ba kayong hindi na kayo aayawan ni Miss
Read more