"BATA ka pa, hindi mo pa kayang magpatakbo ng isang malaking kumpanya. Kailangan mong bumaba, upang maibigay ang posisyon sa mas karapat dapat."Parang naging bubuyog ang meeting hall na iyon, dahil sa sinabi ng isang director kay Emerson.Ang nais nila, ay mag step down siya bilang Chairman ng kumpanya. Dahil wala si Mr. Azul doon, at may personal na problemang inaasikaso, ang kanyang mga minions ang pilit na umiipit kay Emerson."Sir," bulong ng kanyang assistant na si Nicholas, "tatawagan ba natin si Madam? o kaya ang bayaw niyo?""Hindi na. Pipiliin kong kayanin ang bagay na ito. Hindi ako maaaring palahging nakasandal kay ate Jazz.. Nakakahiya na sa kanila ni Kuya Malachi.""Basta, kapag hindi niyo na kaya, tatawagan ko na si Madam, katulad ng bilin niya sa akin.""Oo, salamat.""Emerson, bumaba ka na sa posisyon at mag aral ka na muna. Malay mo naman, pagbalik mo, makuha mo na ang posisyong yan?""Oo nga naman.Ni hindi ka pa nakakatapos ng koliheyo, paano mo kakayaning magpatakb
Read more