Zio really did clear his schedule after the outburst incident with his brother. May isang meeting siya pero pina-cancel niya talaga sa secretary niya. “If it's important, you don't really have to ditch your meeting,” bawi ko sa kagustuhan ko nang malaman kong may meeting pala siya. But he only looked at me darkly. Ibinaba niya ang telephone matapos niyang kausapin ang secretary niya. “I want to spend this day with you than my employee,” aniya. “Masasisiyahan pa ako,” he said with an evil smirk. Kaya matapos niyang i-clear ang schedule niya, tumulak na kami papunta sa penthouse niya. Sa kotse pa lamang, nararamdaman ko na ang tensyong namumuo sa pagitan namin, kaya hindi na ako nagtaka nang pagpasok namin sa elevator, lumapat ang likod ko sa malamig na gusali ng elevator kasabay noon ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Umawang ang bibig ko sa pagkabigla. Pero kalaunan, ang kamay ko ay pumalupot sa batok niya. Patuloy na tumataas ang elevator hanggang sa bumukas ang pintu
Leer más