SHALAVI POV Agad kong sinamantala ang pagkakataong makaalis habang wala pa siya. Bago pa man siya makabalik mula sa kung saan man siya nanggaling, tumakas na ako. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya pang manatili sa piling niya. Akala ko… akala ko ay pareho kami ng nararamdaman. Akala ko ang bawat tingin, bawat haplos, at bawat salitang binibitawan niya ay galing sa kanyang puso. Pero mali pala ako. Umasa ako sa wala. Umasa ako na espesyal ako sa kanya, na iba ang tingin niya sa akin kumpara sa iba. Ngunit lahat pala ng iyon ay pagkukunwari lamang. Isa siyang huwad. Isang taong magaling lamang magpanggap na nagmamahal, habang ang totoo ay wala naman akong halaga sa kanya. Wala akong dala kahit ano—walang pera, walang gamit, walang ibang damit. Wala akong pakialam. Bahala na kung saan ako makarating, basta’t malayo sa kanya. Basta’t malayo sa taong ginawa akong masaya at wasak nang sabay. Mabilis ang aking mga hakbang hanggang sa marating ko ang mataas na pader sa likuran ng malawak na ba
Last Updated : 2026-06-09 Read more