Matapos ang gabing iyon kung saan tuluyan nang naging akin si Shalavi, tila hindi pa nasiyahan ang aking puso at katawan. Ang init na dulot niya ay tila apoy na patuloy na nag-aalab sa aking kalooban, na hindi mapatay ng kahit ano. Ang bawat haplos, bawat hininga, at bawat ungol niya ay nakaukit na sa aking isipan. Sa tuwing naaalala ko ang mga iyon, lalong tumitindi ang pagnanasang angkinin siya muli—ngunit sa pagkakataong ito, sa paraang mas matindi, mas mapangahas, at mas mapusok.Mayroon akong isang silid sa kabilang bahagi ng mansyon. Ito ay katabi lamang ng aking silid, malayo sa ingay, at madalas ay nagsisilbing imbakan ng mga lumang gamit na dating pag-aari at gamit pa ng aking ama noon. Minsan, noong ako ay napadaan dito, nakita ko ang lahat ng kagamitan at natutunan ko kung paano ang mga ito gamitin sa isang babae.Madilim ito, malamig, at ang hangin ay tila puno ng hiwaga at lihim. Matagal ko nang naiisip na doon ko siya dadalhin. Nais kong iparanas sa kanya ang isang uri n
Last Updated : 2026-05-02 Read more