Habang ang kambal ay abalang-abala sa muling pagsusulat sa kanilang mga papel, si Drew naman ay unti-unti nang kumakalma mula sa kaniyang paghalakhak, bagamat may nakakalokong ngiti pa rin sa kaniyang mga labi."Alam mo, Atticus," untag muli ni Drew habang nakadungaw sa ginagawa ng pamangkin. "Hindi naman sa pinanghihinaan ko ang loob niyo, pero paano kung pag-uwi nina Kuya Gideon at Ate Yvee mula sa Maldives, ang pasalubong nila sa inyo ay hindi baby sister? Paano kung... baby brother pala ulit?"Muling napatigil ang dalawang bata. Parang sabay na nag-freeze sina Atlas at Atticus sa kanilang pwesto. Dahan-dahang binitiwan ni Atlas ang kaniyang krayola, habang si Atticus naman ay ibinaba ang lapis at seryosong tumingin kay Drew."Tito Drew, hindi p'wede ang baby brother," mariing sagot ni Atlas, ang kaniyang maliit na boses ay puno ng awtoridad na tila ba nakuha niya sa kaniyang Daddy. "Marami na kaming boys dito sa mansyon. Si Daddy, ikaw, si Kuya, ako... masyadong maingay. Kailangan
Last Updated : 2026-06-23 Read more