Habang nagkakagulo ang lahat sa mga laruan, biglang tumayo si Atticus at lumapit sa kaniyang maleta na kanina pa nakatabi sa gilid ng sofa. Dinukot niya mula sa gilid na bulsa nito ang kaniyang tinitingnang papel—ang listahan ng mga pangalan na ginawa nila noong nakaraang gabi kasama si Ahma. Inabot niya ito kay Yvee. "Mommy, ito po. Para hindi na kayo mahirapan ni Daddy mag-isip kapag dumating na siya." Kinuha ni Yvee ang papel, medyo kinakabahan pero natatawa. Binasa niya ang nakasulat: Princess Elsa Athena Revamonte (Sulat ni Atlas) Amelia Jane Revamonte (Sulat ni Atticus) Dragonia Bacon Revamonte (May malaking ekis dahil binura ni Atticus, pero may nakasulat sa gilid na: Sabi ni Tito Drew masarap daw) Napasapo na lang si Yvee sa kaniyang mukha at ipinakita ang papel kay Gideon na agad namang napataas ang kilay nang mabasa ang pangatlong pangalan. "Dragonia Bacon?" Umuvang ang boses ni Gideon, matalim na nilingon si Drew. "Drew, mukhang hindi lang overtime sa Singapor
Last Updated : 2026-06-27 Read more