Awtomatikong napatingin si Yvee sa anak niya. Agad siyang lumuhod sa harap nito at hinawakan ang mukha ng bata. Pilit niyang hinahanap sa mga mata nito kung may bahid ng kasinungalingan. Direkta ang tingin niya—seryoso at nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala pero kilala niya ang anak niya. Hindi ito lumaking marunong magsinungaling. Hindi niya ito pinalaking gano’n, kahit siya lang ang mag-isang nagpalaki rito ay nagsikap siyang lumaki itong maayos na bata. “Totoo ba ang sinasabi mo, anak?” maingat niyang tanong. “Hindi mo lang ba ito sinasabi para pigilan mommy na pumirma sa kontrata?”“I’m telling the truth, mommy,” mabilis na sagot ni Atlas. “So please, huwag mo na pong pirmahan ang dokumento.”“Shut up!” sigaw ni Edwin, sabay hampas ng baston sa mesa. Umalingawngaw ang tunog sa buong kwarto. “Bata ka pa, pero ang tapang mong magsalita sa harap ko! Anong alam mo kung nasaan ang kapatid mo? Ginagawa mo lang ‘yan para pigilan ang nanay mo!” Ma
Magbasa pa