“Baby,” tawag ni Yvee nang makita niya ang kaniyang anak sa salas. “Aalis muna ako, okay? May pupuntahan lang ako. Magpakabait ka muna kay Rechelle. At huwag na huwag kang lalabas kapag hindi siya kasama. Naiintindihan mo ba ako?”“Yes po, mommy,” sagot ni Atticus, may bahagyang irita sa tono niya na parang palabas na sa kaniyang ilong.“Atticus,” giit ni Yvee, seryoso ang tingin. Kilala niya ang anak niya. Makulit, matigas ang ulo, at siguradong nakuha ito ng anak niya sa kaniya. Kaya kailangan talagang ulit-ulitin ang bilin, kahit alam na niyang narinig na ito ni Atticus.“I know po, mommy!” mabilis na sagot ni Atticus, sabay irap ng bahagya. “I’m smart, mommy. And you know that.” Sumimangot si Yvee. “I know you’re smart pero alam ko ring matigas ang ulo mo, anak.”Ngumiti si Atticus na parang wala siyang kasalanan. “Mag-be-behave po ako, mommy. I’ll just stay here and read my books.”Biglang kumabog ang dibdib ni Yvee. May kung anong hindi niya maipaliwanag na pakiramdam na suming
Read more