Agad umarko ang kilay ni Yvee. “Ano?” bahagya siyang napailing. “Kakasabi ko lang, ‘di ba? Hindi na puwede ‘yon.”Napakamot si Atticus sa kaniyang ulo saka dahan-dahang lumapit sa kaniyang ina. Umupo siya ng tuwid at tumingala rito na para bang may hinihiling. “P-Pero mas safe po si kuya kapag ikaw ang kasama niya, mommy,” malambing niyang sabi. “At mas gagaling siya kapag ikaw po ang kasama niya. Hindi po ba ikaw ang best medical doctor sa buong mundo?”Napailing si Yvee habang marahang kinukurot ang ilong ng bata. “Inuuto mo lang ako, eh.”Agad na umiling si Atticus. “Of course not!” mabilis niyang depensa. “Our mommy is the best mother and the best doctor!” Mayabang pa niyang itinaas ang baba na parang ipinagmamalaki ang kaniyang sinabi.Napatawa si Yvee sa asal ng kaniyang anak. “Hay naku, ewan ko sa iyo,” sabi niya habang hinahaplos ang buhok nito. “Pero paano mo naman nasabi na hindi safe ang kuya mo?”Bahagyang naging seryoso ang mukha ni Atticus. “Marami pong umaapi kay kuya,”
Read more