Nakatulala ako habang tinitignan ang records ng mga pasyenteng ini-asign sa akin ni John. Hindi naman mga malalalang sakit ang ibinigay niya sa akin, mga mild lang. Iniisip niya rin siguro na kailangan ko pang mag-adjust dahil kakabalik ko pa lamang sa trabaho. “Ok ka lang ba? Ba’t parang namumutla ka yata?” Tanong sa akin ni John. Lunch time na ngayon, sabay kaming kumakain sa kanyang office, hindi ko na kailangan pang bumili sa cafeteria o sa labas dahil kanina biglang may lumapit sa akin na isa sa mga tauhan ni Dante at binigyan ang ng lunch meal.“Wala kasi akong lipstick kaya namumutla ako ngayon, saka kulang na rin sa tubig.” Pagsisinungaling ko sa kanya na mukhang naniwala naman siya. Hindi na siya nagtanong tungkol pa rito, tumango lamang siya. Tinignan ko ang office niya, wala man lang akong nakikitang mga picture nang asawa niya o anak. O kung meron man siya. “Meron ka bang asawa? Ang tamlay ng office mo, wala man lang ka picture-picture.” Saad ko sa kanya. Natatawang
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-21 Mehr lesen