"Oh yes, kilala ko siya." Tinignan ko si Franz mula ulo hanggang paa. "Kilalang kilala." Malaki ang pinagbago niya ngayon. Kung titignan noon, wala siyang bigote dahil parati niya ata itong shini-shave. At laging black lang ang suot niya, kahit kailan ay hindi ko siya nakitang nagsuot na kahit na anong kulay maliban sa black. Ngayon, na nasa harapan ko siya. May roon na siyang makapal na bigote, kulay blue ang damit at hindi na rin siya naka-suit. Hindi na siya mukhang mahinhin na intimidating tignan. Lumapit ako sa kanya at hindi nag-atubiling yakapin siya. Niyakap niya rin naman ako pabalik. "Huwag kang yakap nang yakap sa kanya, Villa. Baka masamang tao siya, kahit na kilala mo siya hindi tayo nakakasiguro." Ani ni Jolly at hinila ako palayo sa pagkakayakap kay Franz. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang bahagyang pag-ngiwi nang mukha ni Franz kay Jolly. "Anong nangyari sa'yo? Nasaan si Gerlad? Kumusta ka na?" Maraming tanong ang tinanong ko sa kanya. Hindi ma
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-05 Mehr lesen