Katulad ko rin pala si Jolly. Pareho kami ng sitwasyon noon. Pati na rin ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa akin ni Dante n mahal niya ako. Napabuntong hininga ako at niyakap ng mahigpit si Jolly. Bakit naman kasi minahal niya ang kuari ni Dante. Bakit kaibigan pa ni Dante ang mananakit sa kaibigan ko? "Shhh tumahan ka na, pag-iisipan natin kung ano ang dapat gawin. Sa ngayon ay alagan mo muna ang sarili mo, huwag kang gumalaw-galaw. Alagaan mo si Baby," mahina kong sabi sa kanya. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalika sa noo. Para ko na siyang kapatid. At ayaw kong makita siyang nasasaktan at maranasan ang naranasan ko noon. Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ko na tumunog. Kinuha ko ito at nakitang si Lolo ang tumatawag. Nagpaalam na muna ako kay Jolly na lalabasan muna sandali. Inutusan ko siyang matulog para makapagpahinga na rin. "What, Lo? Bukas pa ako magsasabi sayo ng pasya ko. Ba
続きを読む