Ano bang nangyayari sa akin? Nasa banyo ako ngayon, nagbababad sa but tub at nakatulala, malalim ang iniisip. Napatingin ako sa tiyan ko. Hindi pa naman ito halata, mga weeks pa lamang ito kung itatansya ko. Gusto ko na ba si Dante? O naguguluhan lang talaga ako? Hindi ako puwedeng magkagusto sa kanya, malandi siya, kung sino-sino ang babae niya at higit sa lahat masama siyang tao. Mamamatay tao siya. Kaya hindi ako puwedeng magkagusto sa katulad niya. Tinapos ko na ang pagha-half bath saka umalis na sa banyo. Tangging towel lamang ang nakapulupot sa katawan ko nang lumabas ako, ako lang din naman mag-isa sa silid. Pero mukhang nagkakamali ako dahil nang lumabas ako sa banyo ay bumungad sa akin si Dante na naghihintay sa labas ng banyo. Nakatayo siya ngayon sa harapan ako saka sinuri ako mula ulo hanggang paa. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit ko sa towel sa katawan ko. Baka kasi mahulog at baka sadyain ko itong ihulog. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong k
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-25 Mehr lesen