"Mommy, work ulit?" tanong ni Kyle, ang anak ko. "Opo. Kailangan ni mommy mag-work kasi malapit ka na mag-aral, eh," sabi ko bago ako ngumiti sa anak ko. Almost four years old pa lamang si Kyle pero hindi katulad ng ibang bata, mas malawak ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay. "Pagbalik po ba mommy may book ti Tyle?" inosenteng tanong niya sa akin. Bahagya akong natawa dahil hindi pa rin kayang sabihin ni Kyle ang pangalan niya nang maayos. Tumango rin ako bilang pagsagot. Mahilig din si Kyle sa mga libro kaysa sa mga laruan. "Samira, ihatid ka pa ba namin sa sakayan, anak?" tanong ni nanay na siyang nag-aalaga sa anak ko. Umiling naman ako bago ako nagsalita at iniabot sa kan'ya ang sobre ng pera. "Hindi na, nay. Kailangan ko na rin kasing umalis dahil ngayon ipapakilala ang apo ng boss namin sa trabaho," sabi ko bago ako ngumiti at tumingin sa anak ko. "Kyle, be good to nanay-lola, okay?" sabi ko. Tumango naman siya kahit na halata sa mga mata niyang naluluha na
Last Updated : 2026-02-08 Read more