Share

1

Author: Admiralzxc
last update publish date: 2026-02-08 22:11:04

"Mommy, work ulit?" tanong ni Kyle, ang anak ko.

"Opo. Kailangan ni mommy mag-work kasi malapit ka na mag-aral, eh," sabi ko bago ako ngumiti sa anak ko.

Almost four years old pa lamang si Kyle pero hindi katulad ng ibang bata, mas malawak ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay.

"Pagbalik po ba mommy may book ti Tyle?" inosenteng tanong niya sa akin.

Bahagya akong natawa dahil hindi pa rin kayang sabihin ni Kyle ang pangalan niya nang maayos. Tumango rin ako bilang pagsagot.

Mahilig din si Kyle sa mga libro kaysa sa mga laruan.

"Samira, ihatid ka pa ba namin sa sakayan, anak?" tanong ni nanay na siyang nag-aalaga sa anak ko.

Umiling naman ako bago ako nagsalita at iniabot sa kan'ya ang sobre ng pera.

"Hindi na, nay. Kailangan ko na rin kasing umalis dahil ngayon ipapakilala ang apo ng boss namin sa trabaho," sabi ko bago ako ngumiti at tumingin sa anak ko.

"Kyle, be good to nanay-lola, okay?" sabi ko.

Tumango naman siya kahit na halata sa mga mata niyang naluluha na siya dahil iiwan ko na naman siya rito.

"Opo, mommy. Hindi Tyle magkulit, pwamit," sagot niya bago tumakbo sa akin at mabilis na niyakap ang tuhod ko.

Napalunok naman ako upang iwasan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.

"Babawi si mommy sa'yo, okay? Basta maging mabait si Kyle ni mommy, ha?" sabi ko bago ko siya hinalikan sa noo.

Tumango naman siya bago umalis sa pagkakayakap sa akin at saka pinunasan ang mga luha niya. Umupo naman ako sa harapan niya para halikan siya sa pisngi.

"Don't cry na," sabi ko. Tumango naman siya kaya bahagya akong ngumiti.

Aaminin ko na sa tuwing tumitingin ako sa anak ko, pakiramdam ko nakatingin pa rin ako sa kan'ya. Pakiramdam ko, kaharap ko pa rin ang lalaking 'yon...ang lalaking dahilan kung bakit buo ako ngayon, dahil binigyan niya ako ng isang anak.

"Nay, tipid muna kayo ni tatay, ha? Sapat 'yang pera na 'yan para sa inyong tatlo. Nakapamili naman na ako ng stocks niyo kaya wala na kayong dapat alalahanin pa," sabi ko.

Tumango naman na si nanay kaya hindi na ako nagsalita pa at umalis na.

Hindi ito ang unang beses na iniwan ko si Kyle sa mga magulang ko. Sa katotohanan nga, halos sila na ang nagpalaki sa anak ko dahil kailangan kong magtrabaho sa Manila upang buhayin sila.

Sa Pampanga nakatira sila nanay habang ako naman ay sa Taguig. Kaya kailangan ko ng magmadali papasok dahil ngayon ipapakilala ang bagong hahawak ng kompanyang pinapasukan ko. Mag-re-resign na kasi bilang CEO si Mr. Tan na siyang may-ari ng Tan Traders.

"Samira! Good morning! Bagong araw, bagong boss!" biro sa akin ni Rafaela na kasabay kong naglalakad papasok sa loob ng lobby.

Natawa naman ako dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Bagong boss, bagong?" tanong ko habang nakangisi.

Lumawak naman ang ngiti sa labi niya bago siya tumawa.

"Lalandiin!" maharot na sabi niya kaya natawa ako lalo.

"Bye, Sec! See you!" sabi niya kaya tumango ako bago ako ngumiti at saka sumakay sa loob ng elevator.

Dalawang taon na akong nagtatrabaho bilang Secretary ng CEO. At masasabi kong exceptional si Mr. Tan. Walang papalit sa kan'ya sa ugali, pati na rin sa morals at values na mayroon siya na talaga namang hinangaan ko sa kan'ya. Kaya sana, ang pumalit sa kan'ya ay katulad niya rin.

"Samira, ayusin mo na ang loob ng conference room. Doon didiretso sila Mr. Tan at ang bagong CEO," bungad sa akin ni Lirese, ang assistant ni Mr. Tan.

Tumango naman ako bago ko ibinaba sa mesa ko ang mga gamit ko. Kinuha ko na rin ang folders na paglalagyan ko mamaya ng mga printed papers na nakalagay na ngayon sa loob ng conference room.

"Kailangan ko nang magmadali!" sabi ko sa sarili ko bago ako tumakbo papunta sa conference room at saka inayos ang mesa.

Kinuha ko na rin ang mga papel na pina-print ni Lirese at inilagay 'yon sa loob ng mga folders na dala ko.

Patuloy lang ako sa pag-aayos at paglalagay ng mga papel. At nang matapos ay nag-set up na rin ako ng projector. Naglinis na rin ako ng bahagya upang maging malinis sa loob ng kuwarto.

Napahinga naman ako ng malalim nang matapos ako sa ginagawa ko. Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid para makita kung maayos na ba ang lahat.

At nang masigurado, naupo na muna ako sa swivel chair upang magpahinga.

Wala akong magawa dahil naiwan ko ang phone ko sa bag ko sa sobrang pagmamadali.

Kailangan kasi ako rito mamaya sa loob kaya ang gagawin ko na lang ay ang maghintay.

Napabuntong hininga naman ako bago nagawi ang paningin ko sa folder na inayos ko kanina.

Doon ko lang din na-realize na hindi ko alam kung ano ang nakasulat sa mga papel na pina-print ni Lirese. Hindi ko rin alam kung tungkol saan ang meeting.

Kinuha ko ang folder bago ako tumayo at binasa ang laman no'n.

Hindi naman big deal kung basahin ko ang laman ng folder dahil kung tutuusin ay trabaho ko 'to.

Sadyang hindi ko lang talaga alam kung tungkol saan ang meeting ngayon, maliban sa ipapakilala raw ang bagong magiging CEO ng kompanya.

Confidential pa kasi ang pag-me-meeting-an ngayon kaya ang gumawa ng report ay si Lirese. Habang nag-focus naman ako sa outside tasks para sa meeting na 'to.

"Hmm," patuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa nagawi ang paningin ko sa ibabang parte ng report.

Halos manginig naman ako sa kaba at halos kapusin ako sa hininga matapos kong mabasa ang pangalan ng lalaking papalit kay Mr. Tan.

"Hi? Is this the conference room?"

Agad akong napalingon sa pinto kung saan ko narinig ang boses ng isang lalaki.

Nagtama pa ang mga paningin namin bago ko naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Pakiramdam ko bahagyang bumagal ang pag-ikot ng mundo.

At halos matumba ako sa pagkagulat ng ma-realize ko kung sino ang nasa harapan ko.

Xandros Kayler Nolan, ang ex-boyfriend ko...

...at siyang ama ng anak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding Xandros' Son   7

    Nakaupo lang kami ni Xandros sa backseat. Kanina pa siya tahimik kaya gano'n na rin ang ginawa ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasabihan ang secretary ni Mr. Colt."Sir, ah, hindi ko pa pala nasabihan si Mr. Colt," sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.Nilingon niya naman ako pero wala siyang sinabi na kahit ano. Wala ring emosyon ang kan'yang mga mata.Ano ba 'tong lalaking 'to? Bato?"I'll just call his secretary," sabi ko bago ko nilabas ang company phone ko at saka tinawagan ang numero ng secretary ni Mr. Colt."You have time to call your lover, but none on business matter? How unprofessional," bigla niyang sabi kaya mabilis akong napatingin sa kan'ya.Gusto ko na sana sumagot ngunit hindi ko na nagawa dahil may nagsalita na sa kabilang linya."Good Afternoon. This is Samira, secretary of Mr. Xandros Nolan. I'm sorry but due to an unexpected emergency, the CEO will be unable to attend the scheduled meeting. We sincerely apolo

  • Hiding Xandros' Son   6

    Tahimik lang akong nakasakay sa backseat ng sasakyan ni Xandros habang siya naman ay nasa tabi ko. Personal driver niya ngayon ang nagmamaneho papunta sa hindi ko pa alam na lugar."Do I have a schedule at 12 P.M?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kan'ya bago ko inalala ang nakalagay sa schedule niya.May kopya naman ako sa cellphone ko, pero nakabisado ko na rin naman kasi 'yon kanina."Meeting with Mr. Colt at 11:30 - 12 P.M, Sir," sagot ko.Tumango naman siya bago tinignan ang suot niyang relo kaya napatingin din ako sa suot ko.Nine pa lang naman. Mag-te-ten pa lang naman ng umaga."Cancel it," sabi niya kaya ako mabilis na napalingon sa kan'ya."But it's an important meeting, sir. It's about his inv---""Cancel it," sabi niya with authority in his voice kaya napabuntong hininga na lang ako bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi."Yes, Sir," sabi ko bago ako napalingon sa bintana na katabi ko.Nakakainis naman. Mahabang pakikipag-usap na naman ang gagawin ko mamaya."S

  • Hiding Xandros' Son   5

    Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito."Ouch," untag ko bago ako napaupo. Napatingin na din ako sa paligid ko, at doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko."Sh*t!" sabi ko bago ako mabilis na napatingin sa katawan ko.Nakita ko namang suot ko pa rin ang dress ko kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumaba ng kama.Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, at doon ko lang na-realize kung nasaan ako.Alam ko ang kwarto na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalunok ako bago ako agad na tumakbo papunta sa banyo at nag-asikaso.Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.Wala na kasi akong make-up. Tinanggal ko ba 'yon kagabi?Nakakainis na alak! Wala akong maalala!"Hindi na talaga ako maglalasing, ever!" sabi ko sa sarili ko bago ako nagsimulang mag-asikaso.Nang tapos na ako ay napatingin pa ako sa orasan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong mali-late na ako sa trabaho."Bwiset ka, Xandros! Hindi mo pa ako ginisin

  • Hiding Xandros' Son   4

    "Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya. Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila. Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon. Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako. Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon. Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko. Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to. "What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Agad naman akong napaiwas ng

  • Hiding Xandros' Son   3

    "Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros. Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to. "Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako. Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako. We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk! "Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae. Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros. "Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kun

  • Hiding Xandros' Son   2

    Hindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room. Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO. Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan? At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman! "That's all for today. Meeting adjourned." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya. Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita. Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xand

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status