LOGIN"Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros.
Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to. "Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako. Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako. We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk! "Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae. Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros. "Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kung saan nakaupo si Lirese. Hindi ko naman na hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis na lang akong umalis. Tapos na rin naman na ang announcement tungkol sa pagiging CEO niya. At wala naman akong ginagawa. Kaya I guess pwede naman akong umalis sa tabi ng lalaking 'yon. "Why do you look so grumpy? Okay ka lang ba?" natatawang sabi ni Lirese nang maglakad ako palapit sa kan'ya. Napailing naman ako bago ako umupo sa upuan katabi niya. Inabutan naman ako ng wine ng isang waiter. "You look not so you. What happened? Kanina ka pang umaga gan'yan," puna muli ni Lirese kaya mas napasimangot ako. "Malungkot lang ako kasi iiwan mo na ako," pagsisinungaling ko. Pero totoong nalulungkot ako dahil aalis siya. Hindi ko lang masabi na ang dahilan ay si Xandros kung bakit ako ganito. "Huwag ka na malungkot. Easy to be with naman 'yan si Sir Xandros. And deserve niya rin ang company because he worked so hard for this," sabi niya. Natigilan naman ako dahil alam ko ang bagay na 'yon. I was with him during those times na pilit niyang pinatutunayan ang sarili niya. Alam ko na he worked so hard para makuha kung ano man ang mayroon siya ngayon. "Actually, muntik na nga ma-lost ni Sir Xandros ang pagiging tagapagmana niya dahil sa isang babae," iiling-iling na sabi ni Lirese kaya mabilis akong napalingon sa kan'ya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa narinig ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko. "I was there no'ng nangyari 'yon. Bago lang ako no'n, but I witnessed it all. Ang gulo no'n, but eventually naghiwalay silang dalawa. Nag-focus na rin si Sir Xandros para makuha ang kompanya ng lolo niya, but after ng hiwalayan nila, he grew colder," sabi niya pa bago bahagyang lumingon sa gawi ni Xandros. Napaiwas ako ng tingin kay Lirese. No, hindi kami naghiwalay. Iniwan ko siya, iniwan ko siya dahil 'yon ang makabubuti para sa kan'ya. "I don't know the whole story. Ang alam ko rin engage si Sir Xandros. Well, years ago na 'yon, baka kasal na nga siya ngayon, eh. Kakauwi lang din kasi niya galing ibang bansa. Doon siya nag-stay at nag-aral," dugtong niya pa kaya napabalik sa kan'ya ang tingin ko. Nag-aral? Nag-aral siya ulit? Ibig sabihin, tinuloy niya nga ang mga plano niya sa buhay na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon. Napalunok ako dahil pakiramdam ko, dapat hindi ko na malaman kung ano pa ang mga nangyari noong mga panahon na iniwanan ko si Xandros. At kasal? Syempre, kagaya ng gusto ng pamilya niya. Good for him. "Anyway, may after party mamaya. You should go. Sasama naman ako," sabi niya kaya napabalik sa kan'ya ang tingin ko. "After party?" tanong ko. Tumango naman siya bago uminom sa hawak niyang baso. "Yes. Hindi naman malayo ang edad sa atin ni Sir Xandros. I guess he's around twenty-five?" sabi niya. "Hindi. Mag-ti- twenty-nine na siya," labas sa ilong na sagot ko. Natigilan naman ako sa naging sagot ko bago ako napatingin kay Lirese. Pilit akong tumawa. "Ha-ha. Nag-search kasi ako kanina," sabi ko bago ako napalunok. "Sa bagay. You're twenty-six, right? Alam ko rin kasi older siya sa atin," sabi niya. Napatango naman ako no'n. Tama. Xandros was three years older than me. Akma na sana akong magsasalita nang makita kong naglalakad papunta sa podium sa harapan si Xandros. Hawak niya pa ang wine glass sa kamay niya. Napatingin na rin si Lirese sa unahan. "Hello. Thank you for coming, everyone. This is such a big day for me. And to the boardmembers and trustees, rest assured I'll never going to fail you, especially you, Lo. Thank you once again," sabi niya bago bumaba ng podium. Tumayo na rin ako at pumunta sa gawi niya nang makita ko siyang naglalakad papunta sa likod nitong venue. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang parking lot. "Uuwi ka na agad?" tanong ko nang maabutan ko siya. Hinubad niya pa ang suot niyang coat bago ibinato 'yon sa backseat ng sasakyan niya. Nilingon niya naman ako. Walang emosyon ang kan'yang mga mata pero tinaasan niya ako ng kilay. "No. Hop in, we'll going to be late," sabi niya na lang kaya napataas ang kilay ko. Napahinga pa ako ng malalim bago ako sumakay sa backseat. Nakita ko namang tinignan niya ako sa rear view mirror kaya tumingin din ako sa kan'ya. "What am I? A f*cking driver?" inis na tanong niya kaya sumimangot ako bago ako padabog na bumaba at umupo sa shotgun seat. "Hindi ko naman na kailangan pang sumama sa after party mo. It's not part of my job," sabi ko bago ko isinuot ang seatbelt. "Tss. Ingay mo," sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama. Napahinga naman ako ng malalim. Baka makalimutan kong boss ko nga pala ang isang 'to. Wala naman ng nagsalita pa sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang familiar na exclusive village. Parang sasabog naman ang dibdib ko sa kaba nang maging pamilyar sa akin ang dinadaanan naming dalawa. Muli akong napalunok nang huminto kami sa tapat ng isang bahay. Dinig mo rito sa labas ang lakas ng tunog na nanggagaling mula sa loob. Napahinga akong muli ng malalim. Almost four years. Mag-a-apat taon na nang huli akong nakapunta rito. Mag-a-apat na taon na nang iwan ko siya rito. "Dito gaganapin ang party?" halos bulong na tanong ko. "Yes," sagot naman ni Xandros kaya ko siya mabagal na nilingon. Nakatingin na rin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit dito pa?!Nakaupo lang kami ni Xandros sa backseat. Kanina pa siya tahimik kaya gano'n na rin ang ginawa ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasabihan ang secretary ni Mr. Colt."Sir, ah, hindi ko pa pala nasabihan si Mr. Colt," sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.Nilingon niya naman ako pero wala siyang sinabi na kahit ano. Wala ring emosyon ang kan'yang mga mata.Ano ba 'tong lalaking 'to? Bato?"I'll just call his secretary," sabi ko bago ko nilabas ang company phone ko at saka tinawagan ang numero ng secretary ni Mr. Colt."You have time to call your lover, but none on business matter? How unprofessional," bigla niyang sabi kaya mabilis akong napatingin sa kan'ya.Gusto ko na sana sumagot ngunit hindi ko na nagawa dahil may nagsalita na sa kabilang linya."Good Afternoon. This is Samira, secretary of Mr. Xandros Nolan. I'm sorry but due to an unexpected emergency, the CEO will be unable to attend the scheduled meeting. We sincerely apolo
Tahimik lang akong nakasakay sa backseat ng sasakyan ni Xandros habang siya naman ay nasa tabi ko. Personal driver niya ngayon ang nagmamaneho papunta sa hindi ko pa alam na lugar."Do I have a schedule at 12 P.M?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kan'ya bago ko inalala ang nakalagay sa schedule niya.May kopya naman ako sa cellphone ko, pero nakabisado ko na rin naman kasi 'yon kanina."Meeting with Mr. Colt at 11:30 - 12 P.M, Sir," sagot ko.Tumango naman siya bago tinignan ang suot niyang relo kaya napatingin din ako sa suot ko.Nine pa lang naman. Mag-te-ten pa lang naman ng umaga."Cancel it," sabi niya kaya ako mabilis na napalingon sa kan'ya."But it's an important meeting, sir. It's about his inv---""Cancel it," sabi niya with authority in his voice kaya napabuntong hininga na lang ako bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi."Yes, Sir," sabi ko bago ako napalingon sa bintana na katabi ko.Nakakainis naman. Mahabang pakikipag-usap na naman ang gagawin ko mamaya."S
Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito."Ouch," untag ko bago ako napaupo. Napatingin na din ako sa paligid ko, at doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko."Sh*t!" sabi ko bago ako mabilis na napatingin sa katawan ko.Nakita ko namang suot ko pa rin ang dress ko kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumaba ng kama.Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, at doon ko lang na-realize kung nasaan ako.Alam ko ang kwarto na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalunok ako bago ako agad na tumakbo papunta sa banyo at nag-asikaso.Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.Wala na kasi akong make-up. Tinanggal ko ba 'yon kagabi?Nakakainis na alak! Wala akong maalala!"Hindi na talaga ako maglalasing, ever!" sabi ko sa sarili ko bago ako nagsimulang mag-asikaso.Nang tapos na ako ay napatingin pa ako sa orasan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong mali-late na ako sa trabaho."Bwiset ka, Xandros! Hindi mo pa ako ginisin
"Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya. Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila. Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon. Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako. Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon. Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko. Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to. "What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Agad naman akong napaiwas ng
"Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros. Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to. "Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako. Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako. We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk! "Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae. Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros. "Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kun
Hindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room. Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO. Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan? At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman! "That's all for today. Meeting adjourned." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya. Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita. Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xand







