MasukNakaupo lang kami ni Xandros sa backseat. Kanina pa siya tahimik kaya gano'n na rin ang ginawa ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasabihan ang secretary ni Mr. Colt."Sir, ah, hindi ko pa pala nasabihan si Mr. Colt," sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.Nilingon niya naman ako pero wala siyang sinabi na kahit ano. Wala ring emosyon ang kan'yang mga mata.Ano ba 'tong lalaking 'to? Bato?"I'll just call his secretary," sabi ko bago ko nilabas ang company phone ko at saka tinawagan ang numero ng secretary ni Mr. Colt."You have time to call your lover, but none on business matter? How unprofessional," bigla niyang sabi kaya mabilis akong napatingin sa kan'ya.Gusto ko na sana sumagot ngunit hindi ko na nagawa dahil may nagsalita na sa kabilang linya."Good Afternoon. This is Samira, secretary of Mr. Xandros Nolan. I'm sorry but due to an unexpected emergency, the CEO will be unable to attend the scheduled meeting. We sincerely apolo
Tahimik lang akong nakasakay sa backseat ng sasakyan ni Xandros habang siya naman ay nasa tabi ko. Personal driver niya ngayon ang nagmamaneho papunta sa hindi ko pa alam na lugar."Do I have a schedule at 12 P.M?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kan'ya bago ko inalala ang nakalagay sa schedule niya.May kopya naman ako sa cellphone ko, pero nakabisado ko na rin naman kasi 'yon kanina."Meeting with Mr. Colt at 11:30 - 12 P.M, Sir," sagot ko.Tumango naman siya bago tinignan ang suot niyang relo kaya napatingin din ako sa suot ko.Nine pa lang naman. Mag-te-ten pa lang naman ng umaga."Cancel it," sabi niya kaya ako mabilis na napalingon sa kan'ya."But it's an important meeting, sir. It's about his inv---""Cancel it," sabi niya with authority in his voice kaya napabuntong hininga na lang ako bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi."Yes, Sir," sabi ko bago ako napalingon sa bintana na katabi ko.Nakakainis naman. Mahabang pakikipag-usap na naman ang gagawin ko mamaya."S
Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito."Ouch," untag ko bago ako napaupo. Napatingin na din ako sa paligid ko, at doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko."Sh*t!" sabi ko bago ako mabilis na napatingin sa katawan ko.Nakita ko namang suot ko pa rin ang dress ko kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumaba ng kama.Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, at doon ko lang na-realize kung nasaan ako.Alam ko ang kwarto na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalunok ako bago ako agad na tumakbo papunta sa banyo at nag-asikaso.Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.Wala na kasi akong make-up. Tinanggal ko ba 'yon kagabi?Nakakainis na alak! Wala akong maalala!"Hindi na talaga ako maglalasing, ever!" sabi ko sa sarili ko bago ako nagsimulang mag-asikaso.Nang tapos na ako ay napatingin pa ako sa orasan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong mali-late na ako sa trabaho."Bwiset ka, Xandros! Hindi mo pa ako ginisin
"Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya. Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila. Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon. Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako. Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon. Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko. Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to. "What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Agad naman akong napaiwas ng
"Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros. Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to. "Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako. Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako. We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk! "Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae. Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros. "Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kun
Hindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room. Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO. Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan? At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman! "That's all for today. Meeting adjourned." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya. Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita. Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xand







