Share

5

Penulis: Admiralzxc
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-16 07:18:30

Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito.

"Ouch," untag ko bago ako napaupo. Napatingin na din ako sa paligid ko, at doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko.

"Sh*t!" sabi ko bago ako mabilis na napatingin sa katawan ko.

Nakita ko namang suot ko pa rin ang dress ko kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumaba ng kama.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, at doon ko lang na-realize kung nasaan ako.

Alam ko ang kwarto na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalunok ako bago ako agad na tumakbo papunta sa banyo at nag-asikaso.

Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.

Wala na kasi akong make-up. Tinanggal ko ba 'yon kagabi?

Nakakainis na alak! Wala akong maalala!

"Hindi na talaga ako maglalasing, ever!" sabi ko sa sarili ko bago ako nagsimulang mag-asikaso.

Nang tapos na ako ay napatingin pa ako sa orasan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong mali-late na ako sa trabaho.

"Bwiset ka, Xandros! Hindi mo pa ako ginising!" inis na sabi ko sa sarili ko bago ako lumabas ng kwarto at saka ako mabilis na bumaba sa first floor.

Natigilan naman ako nang makita kong may naglilinis sa ibaba.

"Morning," agad akong napatingin sa bandang kusina at doon nakita ko si Xandros na nakasandal sa doorway.

Nakasuot siya ng isang itim na button down shirt habang ang kaliwa niyang kamay ay may hawak na baso ng kape.

Napatikhim naman ako bago ako naglakad papalapit sa kan'ya.

"Thank you for allowing me to stay last night, sir. But I should get going. Anong oras na rin kasi," sabi ko bago ako pekeng ngumiti.

Hindi naman siya kumibo at naglakad na lang papasok sa dining kaya napasunod ako.

"Yeah, but have a breakfast first," walang emosyong sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ah, hindi na, sir. Baka ma-late kasi ako. Medyo malayo kasi rito 'yong bahay ko," sagot ko.

Ilang taon na ang lumipas pero mapilit pa rin talaga ang isang 'to.

Tumaas naman ang kilay niya.

"Hindi ka mali-late. Your husband will fetch you, right?" sabi niya bago naupo sa upuan sa tapat ng mesa. Ipinatong niya pa ang braso niya sa katabi niyang upuan.

Kumunot naman lalo ang noo ko.

Husband? Kailan ako nagka-asawa? Bakit hindi ko alam?

"Anong as---" hindi ko na naituloy ang sana ay sasabihin ko nang bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko.

Kinuha ko naman 'yon sa loob ng bag ko bago ako tumingin kay Xandros na patuloy na umiinom ng kan'yang kape habang nakatingin sa bintana.

Napatikhim muna ako bago ako nagsalita.

"Excuse me. I just need to answer this call," sabi ko bago ko sinagot ang tawag.

"Hey," bungad ko bago ako naglakad papalayo ng kaunti kung nasaan si Xandros.

"Hey, nasaan ka na?" bungad ni Niko nang sagutin ko ang tawag.

"Ah, nandito ako sa bahay ng boss ko. Hindi ako nakauwi," sagot ko naman.

"Oo nga. Hindi mo sinasagot ang calls ko kagabi. Pumunta ako sa venue pero tapos na raw ang party," sagot niya.

"Sorry," sagot ko.

Sinabi ko rin nga pala sa kan'ya na sunduin niya ako pagkatapos ng party.

"May after party kasi na ginanap sa bahay ng boss ko. Anyway, pauwi na rin ako. Nasa work ka na ba?" tanong ko bago ako naglakad palabas ng dining.

"No. Hindi ako nakapasok," sagot niya kaya bahagya akong napangiti.

"Pwede pasundo, please?" sabi ko.

Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Sige, saan ba kita susunduin?" tanong niya naman kaya halos mapatalon ako sa tuwa.

"Yehey! Sa kalsada ng Ke---hello?" napakunot ang noo ko nang bigla na lamang nanahimik si Niko.

Napatingin pa ako sa cellphone ko. At doon ko lang napansin na lowbatt na pala ako.

"Kainis naman!" iritang untag ko bago ako akmang babalik na sa loob ng dining para magpaalam nang matigilan ako dahil nasa likuran ko na pala si Xandros.

"A-Ahm...Sir, uuwi na po ako," sabi ko bago ako akmang maglalakad na palabas nang bigla na lamang siyang nagsalita.

"Hatid na kita," walang emosyong sabi niya bago niya ako nilampasan.

Hindi naman na ako nakapagsalita at sumunod na lang ng lakad sa kan'ya. Hanggang sa makasakay sa loob ng sasakyan niya ay nanatili kaming tahimik.

"Address?" tanong niya.

"Ituturo ko na lang, sir," sabi ko.

Hindi naman na siya nagsalita at pinaandar na lamang ang sasakyan. Gano'n na lang din ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa bahay na inuupahan ko.

"Dito na lang po," sabi ko. Hininto naman niya ang sasakyan sa gilid.

"Thank you, sir," sabi ko pa.

Hindi naman na siya sumagot kaya bumaba na lang ako ng sasakyan. Nang makababa na ako ay agad din siyang umalis kaya napangiwi ako.

Bastos talaga!

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay agad na rin akong nag-asikaso upang makapasok.

Alam kong mali-late na ako kaya naman binilisan ko na lang at hindi na gaano nag-ayos pa. Sa office na lang siguro ako mag-mi-make-up.

Paalis na sana ako ng bahay nang bigla na lamang may bumusina sa harapan ko.

"Late ka na ata, Miss," sabi ng isang lalaki kaya agad akong napatingin sa kan'ya.

Napangiti pa ako dahil kilala ko ang boses na 'yon.

"Niko!" sabi ko bago ako tumakbo papunta sa kan'ya na ngayon ay nakasilip sa bintana ng sasakyan niya habang ang braso niya ay nakapatong sa pinto.

"Hatid na kita," sabi niya bago ngumiti.

Tumango naman ako bago ako sumakay sa loob ng sasakyan niya. Agad din naman niyang pinaandar ang sasakyan na lulan namin.

"Late ka na," sabi niya habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Tumango naman ako bago ako napabuntong hininga.

"Oo nga, eh. Never na talaga ako iinom ng gano'n karami," sabi ko bago ako napatingin sa phone ko nang mag-ring 'yon.

Akma ko na sanang sasagutin ang tawag nang bigla na lamang 'yong namatay.

"Nag-alala ako sa'yo kagabi, buti na lang okay ka," sabi niya kaya tumango ako.

Sino kaya 'yong tumawag sa akin?

Wala nang nagsalita sa aming dalawa. Patuloy lang ang pagbagtas namin sa malawak sa highway papunta sa trabaho ko.

Napalingon naman ako sa bintana ng driver seat nang bigla na lamang may puting sasakyan ang humarurot at nag-overtake sa amin.

"T*ngina no'n, ah," sabi ni Niko bago bumusina.

"Huwag mo na patulan," sabi ko na lang habang nakatingin din sa puting sasakyan na mabilis na umaandar papalayo sa amin.

Hindi na muling kumibo si Niko at gano'n na rin ako hanggang sa makarating kami sa Tan Traders.

"Sunduin kita mamaya?" tanong niya bago ako bumaba.

Napaisip naman ako bago ako sumagot.

"Wala ka ba talagang pasok?" tanong ko.

Umiling siya bago siya ngumiti.

"Nakakahiya naman. Ang layo kasi ng binabyahe mo," sabi ko. Umiling naman siya bago siya nagsalita.

"Bago ba 'yon? Pero sige na, pumasok ka na. Sunduin na lang din kita mamaya," sabi niya. Tumango naman ako.

"Sige. Ikaw, makipag-date ka nga. 'Di ka magkaka-jowa n'yan kung panay ka dikit sa akin, sige ka," natatawang sabi ko bago ako bumaba.

Tumawa rin siya bago siya kumaway.

"See you later, Sweetheart!" biro niya kaya natawa ako bago ako tuluyang bumaba at halos patakbo ng pumasok sa entrance ng building namin.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Alam naman ni Xandros na mali-late ako, pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Late ka na, ah?" narinig kong sabi ng isang babae na ngayon ay nakatayo sa tapat ng mesa ko.

"Lirese! Wow, akala ko last day mo na kahapon?" sabi ko.

Tumango naman siya bago itinuro ang box na nasa sahig.

"Yes. Just cleaning up. Anyway, ito pala 'yong papers na need mo. Aralin mo na lang 'to," sabi niya bago itinuro ang pile ng papel na nasa mesa at saka ngumiti at dinampot ang box niya sa sahig.

Malungkot naman akong ngumiti.

"Mag-iingat ka, Lirese," sabi ko.

Ngumiti naman siya pabalik bago siya tumango.

"Of course. See you someday, Sam," sabi niya bago ngumiti at tuluyang umalis.

Ako naman ay naglakad papunta na sa mesa at saka ko inayos ang nasa ibabaw no'n.

Sa sobrang busy ko kahapon, ni-hindi ko man lang nagawang linisin 'to.

Patuloy lamang ako sa paglilinis nang bigla na lamang tumunog ang telecom na connected sa CEO kaya agad akong napatayo at napaayos para puntahan si Xandros.

Dinala ko rin ang schedule niya ngayong araw at binasa 'yon habang papunta ako sa kan'ya.

Hindi naman kalayuan ang opisina niya sa mesa ko, mga sampung hakbang lang pero halos takbuhin ko sa pagmamadali.

Nang makarating na ako sa tapat ng opisina ay agad akong nagkatok ng tatlong beses bago ko 'yon binuksan.

"Good morning, sir," bungad ko.

Nakaupo lang siya sa tapat ng mesa niya habang may binabasang papeles.

"You're late," sabi niya bago ako tinignan diretso sa mata.

Halos mapanganga naman ako sa gulat.

Wow! Kunwari walang alam?! Kunwari hindi niya alam na sa bahay niya ako nakatulog dahil sa kalasingan?!

Napatikhim ako bago ako pilit na ngumiti.

"Pasensya na, sir. May nangyari lang po kagabi," sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya bago siya nagsalita.

"You know what I hate the most? Late comers. Next time, 'wag ka na lang pumasok," sabi niya bago tumayo at kinuha ang coat niyang nakapatong sa sandalan ng swivel chair niya.

Pilit muli akong ngumiti bago ako yumuko at nagsalita.

Bw*set na lalaking 'to! Kasalanan niya naman bakit ako na-late!

"Sorry, sir. Hindi na po mauulit," sabi ko.

Hindi na talaga dahil 'di na ako papauto sa'yo ulit! Kupal!

Hindi naman na siya sumagot at naglakad na lang sa harapan ko. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago niya ako nilagpasan.

"Follow me. May pupuntahan ako," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Teka, sir. Bawal po akong umal---" hindi ko na natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla na lamang siyang nagsalita.

"This is your first day as my secretary. Prove yourself," sabi niya na siyang dahilan ng pag-ikot ng mata ko.

Hambog!

"Yes, sir," labag sa loob na sagot ko.

May hangover pa nga ako at masakit ang ulo tapos byahe na naman. Grr.

Isa kang malaking epal, Xandros!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hiding Xandros' Son   7

    Nakaupo lang kami ni Xandros sa backseat. Kanina pa siya tahimik kaya gano'n na rin ang ginawa ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasabihan ang secretary ni Mr. Colt."Sir, ah, hindi ko pa pala nasabihan si Mr. Colt," sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.Nilingon niya naman ako pero wala siyang sinabi na kahit ano. Wala ring emosyon ang kan'yang mga mata.Ano ba 'tong lalaking 'to? Bato?"I'll just call his secretary," sabi ko bago ko nilabas ang company phone ko at saka tinawagan ang numero ng secretary ni Mr. Colt."You have time to call your lover, but none on business matter? How unprofessional," bigla niyang sabi kaya mabilis akong napatingin sa kan'ya.Gusto ko na sana sumagot ngunit hindi ko na nagawa dahil may nagsalita na sa kabilang linya."Good Afternoon. This is Samira, secretary of Mr. Xandros Nolan. I'm sorry but due to an unexpected emergency, the CEO will be unable to attend the scheduled meeting. We sincerely apolo

  • Hiding Xandros' Son   6

    Tahimik lang akong nakasakay sa backseat ng sasakyan ni Xandros habang siya naman ay nasa tabi ko. Personal driver niya ngayon ang nagmamaneho papunta sa hindi ko pa alam na lugar."Do I have a schedule at 12 P.M?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kan'ya bago ko inalala ang nakalagay sa schedule niya.May kopya naman ako sa cellphone ko, pero nakabisado ko na rin naman kasi 'yon kanina."Meeting with Mr. Colt at 11:30 - 12 P.M, Sir," sagot ko.Tumango naman siya bago tinignan ang suot niyang relo kaya napatingin din ako sa suot ko.Nine pa lang naman. Mag-te-ten pa lang naman ng umaga."Cancel it," sabi niya kaya ako mabilis na napalingon sa kan'ya."But it's an important meeting, sir. It's about his inv---""Cancel it," sabi niya with authority in his voice kaya napabuntong hininga na lang ako bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi."Yes, Sir," sabi ko bago ako napalingon sa bintana na katabi ko.Nakakainis naman. Mahabang pakikipag-usap na naman ang gagawin ko mamaya."S

  • Hiding Xandros' Son   5

    Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito."Ouch," untag ko bago ako napaupo. Napatingin na din ako sa paligid ko, at doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko."Sh*t!" sabi ko bago ako mabilis na napatingin sa katawan ko.Nakita ko namang suot ko pa rin ang dress ko kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumaba ng kama.Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, at doon ko lang na-realize kung nasaan ako.Alam ko ang kwarto na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalunok ako bago ako agad na tumakbo papunta sa banyo at nag-asikaso.Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.Wala na kasi akong make-up. Tinanggal ko ba 'yon kagabi?Nakakainis na alak! Wala akong maalala!"Hindi na talaga ako maglalasing, ever!" sabi ko sa sarili ko bago ako nagsimulang mag-asikaso.Nang tapos na ako ay napatingin pa ako sa orasan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong mali-late na ako sa trabaho."Bwiset ka, Xandros! Hindi mo pa ako ginisin

  • Hiding Xandros' Son   4

    "Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya. Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila. Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon. Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako. Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon. Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko. Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to. "What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Agad naman akong napaiwas ng

  • Hiding Xandros' Son   3

    "Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros. Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to. "Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako. Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako. We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk! "Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae. Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros. "Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kun

  • Hiding Xandros' Son   2

    Hindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room. Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO. Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan? At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman! "That's all for today. Meeting adjourned." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya. Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita. Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xand

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status