LOGINHindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room.
Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO. Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan? At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman! "That's all for today. Meeting adjourned." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya. Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita. Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xandros. Pero mamaya pang gabi ang official announcement niya bilang kapalit ng lolo niya. "Sam," napalingon ako kay Lirese nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot nang dumaan sa harapan naming dalawa sina Mr. Tan at ang bagong appointed na CEO. "Bakit?" bulong ko bago kami sumunod ng lakad sa mga boss namin. "Mukhang iiwanan na kita," sabi niya kaya napataas ang kilay ko. "Anong iiwan?" nagtatakhang tanong ko habang sinisipat-sipat ang lalaki sa unahan ko. Ano ba 'to?! Sinasadya niya bang bagalan ang paglalakad?! Eh, kung tapakan ko kaya 'yang sapatos niya! "Bakit nakasimangot ka d'yan?" natatawang tanong naman ni Lirese kaya napabalik sa kan'ya ang paningin ko. "Wala," sagot ko na lang. Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kung saan siya nakatingin, at nakita ko siyang nakatingin kay Mr. Tan. "Mag-re-resign na ako. Isasama ako ni Mr. Tan sa ibang bansa bilang personal assistant niya," sabi niya kaya mabilis napabalik sa kan'ya ang tingin ko. "WHAT?! AALIS KA?!" bulyaw ko. Parang nanlamig naman ang katawan ko nang ma-realize ko kung gaano kalakas ang boses ko. Napatingin tuloy ako sa harapan namin. Nakatingin na sa akin si Mr. Tan at si Xandros na nakataas na naman ang kilay kaya pilit akong natawa. Nakakahiya! "S-Sorry po," sabi ko na lang. Natawa naman si Lirese bago siya nagsalita. "Sir Xandros, this is Samira Anne Fuego. She's your secretary," sabi niya. Nanatili naman sa akin ang tingin ni Xandros kaya peke akong ngumiti at saka humakbang ng isa para batiin siya. "Good day po," sabi ko na lang. Hindi naman siya sumagot habang ngumiti at tumango lang si Mr. Tan. Napasimangot naman ako nang hindi niya man lang ako binati pabalik. Kahit pagngiti ng peke 'di man lang ginawa! Natawa na naman si Lirese bago umiling at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Nakakainis 'tong lalaking 'to. Napahiya ako ro'n, ah. Napatingin ako sa likuran ni Xandros bago ako sumimangot. Ibig sabihin, siya na talaga ang boss ko. At maiiwan pa akong mag-isa sa isang 'to. "Kailan ka aalis?" tanong ko kay Lirese para ma-divert ang atensyon ko. Ngumiti naman siya bago siya nagsalita. "Ngayong araw. Hanggang mamaya na lang dahil mamayang gabi ang party para kay Sir Xandros," sabi niya. Hindi naman ako nakapagsalita. Nakakalungkot. Nauna sa akin si Lirese rito sa kompanya. Siya ang naging senior ko at siya rin ang nagturo sa akin. Mahigpit siya 'pag dating sa trabaho, pero outside work ay ka-close ko naman siya. "Masaya ako para sa'yo. Pero nakakalungkot naman kasi iiwan mo na 'ko," malungkot na sabi ko. Natawa naman siya bago nagsalita. "Masaya rin ako para sa'yo. Kaya galingan mo bilang secretary ni Sir Xandros, you'll gonna like him," sabi niya kaya napatingin akong muli sa lalaking nasa harapan ko. Ang bagal talaga niya maglakad! Napahinga ako ng malalim bago ako napangiti ng pilit. "Sana," labas sa ilong na sagot ko. Like him? I don't think so. Ngayon pa lang, nakikita ko nang 'di kami magkakasundo. --- Napahinga ako nang malalim habang tinitignan ang orasan ko. Almost six na kasi ng gabi pero wala pa rin ang sundo ko. Nakasuot lang ako ng maroon bodycon dress na may slit sa kanan na hanggang hita. Nandito ako ngayon sa harapan ng kompanya dahil dito ako susunduin ng magaling na lalaking 'yon! Si Nicholo Feir kasi dapat ang magsusundo sa akin rito. Siya ang kaibigan ko at nag-iisang gumagabay sa akin dito sa Manila. Nakakainis dahil mukhang nakalimutan niya akong sunduin! "Anong oras na. Kaasar!" inis na sabi ko bago ako napalinga sa paligid. Akma ko na sanang kukunin ang phone ko upang tawagan siya. Ngunit natigilan ako nang may makita akong sasakyang papunta sa gawi ko. Kumunot ang noo ko. Teka, hindi 'to sasakyan ni Niko. "You'll be late," bungad ng lalaki na nagmamaneho ng sasakyan na huminto na ngayon sa harapan ko. Napaiwas naman ako ng tingin nang makita ko kung sino 'yon. "Sir Xandros," untag ko na lang bago ako napalunok. "Get in. We're going on the same way anyway," walang emosyong sabi niya kaya ko siya tinignan bago ko nilingon ang orasang suot ko. Kinagat ko pa ang pang-ibaba kong labi. Nakakainis ka, Niko! Ang timing mo! "Okay lang ako, Sir. May susundo naman sa akin," sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya at akma na sanang magsasalita nang bigla na lamang may humintong sasakyan sa harapan ng sasakyan niya. "Sorry, late! Napa-overtime ng konti," sabi ni Niko bago kinuha ang bag na hawak ko. Napasimangot naman ako bago ko siya tinignan. "Bw*set ka. Mali-late pa 'ko dahil sa'yo," walang kwentang sabi ko. Akma na sanang hahawakan ni Niko ang kamay ko para alalayan akong makababa ng hagdan nang halos mapatalon kami sa gulat, dahil bigla na lamang may bumusina nang napakalakas. Napalingon kami ng sabay sa pinanggalingan ng tunog. Ngunit huli na dahil mabilis 'yong nakaalis papalayo sa amin. "Sino 'yon?" kunot noong sabi ni Niko kaya pinalo ko siya. "Boss ko 'yon. Ang chismoso mo, tara na!" pag-aya ko bago kami mabilis na sumakay sa sasakyan niya at saka niya ako hinatid sa venue. Sa totoo lang, maaga pa naman. Pero hindi naman pwede na ma-late ang secretary ng CEO lalo na't ngayong gabi ang official designation niya sa posisyon niya. Hindi ko nga alam kung bakit, pero ramdam kong may namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o ano. "Dito na. Mag-ingat ka, 'wag mo 'ko agad ipagpalit, ha. Busted na nga, broken pa," biro ni Niko kaya mabilis kong hinampas ang braso niya. Matagal ko nang alam na may gusto siya sa akin. Pero mas pinanatili na lang namin ang pagkakaibigan namin dahil ayaw kong masira kaming dalawa. Tanggap na tanggap niya rin si Kyle, pero hindi ko pa talaga kayang magpapasok ng lalaki ngayon sa buhay ko. "Sira! Sige na, rito na 'ko," sabi ko bago ako akmang bababa ngunit inunahan ako ni Niko. Mabilis siyang bumaba at saka ako inalalayan na makababa rin sa sasakyan niya. Natawa pa ako bago ko kinuha ang bag ko sa kamay niya. "Sige na. Baka ma-inlove ako sa'yo, sige ka," biro ko. Natawa naman siya bago kinurot ang pisngi ko. "Ang tagal naman," sabi niya kaya natawa ako bago ko siya hinampas sa kamay. "Heh!" untag ko na lang bago ako akmang aalis na. Ngunit bago ko pa man magawa ay bigla akong natigilan nang may mapansin akong lalaking nakatingin sa amin hindi kalayuan sa akin. Napalunok ako nang magtama ang mata naming dalawa. At nang makita niyang nakatingin ako sa kan'ya ay agad siyang tumalikod at pumasok na sa loob ng venue. Halos mapugto ko naman ang hininga ko dahil sa kaba. Xandros, anong kailangan mo?Nakaupo lang kami ni Xandros sa backseat. Kanina pa siya tahimik kaya gano'n na rin ang ginawa ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na hindi ko pa nga pala nasabihan ang secretary ni Mr. Colt."Sir, ah, hindi ko pa pala nasabihan si Mr. Colt," sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi.Nilingon niya naman ako pero wala siyang sinabi na kahit ano. Wala ring emosyon ang kan'yang mga mata.Ano ba 'tong lalaking 'to? Bato?"I'll just call his secretary," sabi ko bago ko nilabas ang company phone ko at saka tinawagan ang numero ng secretary ni Mr. Colt."You have time to call your lover, but none on business matter? How unprofessional," bigla niyang sabi kaya mabilis akong napatingin sa kan'ya.Gusto ko na sana sumagot ngunit hindi ko na nagawa dahil may nagsalita na sa kabilang linya."Good Afternoon. This is Samira, secretary of Mr. Xandros Nolan. I'm sorry but due to an unexpected emergency, the CEO will be unable to attend the scheduled meeting. We sincerely apolo
Tahimik lang akong nakasakay sa backseat ng sasakyan ni Xandros habang siya naman ay nasa tabi ko. Personal driver niya ngayon ang nagmamaneho papunta sa hindi ko pa alam na lugar."Do I have a schedule at 12 P.M?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kan'ya bago ko inalala ang nakalagay sa schedule niya.May kopya naman ako sa cellphone ko, pero nakabisado ko na rin naman kasi 'yon kanina."Meeting with Mr. Colt at 11:30 - 12 P.M, Sir," sagot ko.Tumango naman siya bago tinignan ang suot niyang relo kaya napatingin din ako sa suot ko.Nine pa lang naman. Mag-te-ten pa lang naman ng umaga."Cancel it," sabi niya kaya ako mabilis na napalingon sa kan'ya."But it's an important meeting, sir. It's about his inv---""Cancel it," sabi niya with authority in his voice kaya napabuntong hininga na lang ako bago ko kinagat ang pang-ibaba kong labi."Yes, Sir," sabi ko bago ako napalingon sa bintana na katabi ko.Nakakainis naman. Mahabang pakikipag-usap na naman ang gagawin ko mamaya."S
Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito."Ouch," untag ko bago ako napaupo. Napatingin na din ako sa paligid ko, at doon ko lang napansin na wala ako sa kwarto ko."Sh*t!" sabi ko bago ako mabilis na napatingin sa katawan ko.Nakita ko namang suot ko pa rin ang dress ko kagabi. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumaba ng kama.Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, at doon ko lang na-realize kung nasaan ako.Alam ko ang kwarto na 'to. Hindi ako pwedeng magkamali. Napalunok ako bago ako agad na tumakbo papunta sa banyo at nag-asikaso.Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.Wala na kasi akong make-up. Tinanggal ko ba 'yon kagabi?Nakakainis na alak! Wala akong maalala!"Hindi na talaga ako maglalasing, ever!" sabi ko sa sarili ko bago ako nagsimulang mag-asikaso.Nang tapos na ako ay napatingin pa ako sa orasan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kong mali-late na ako sa trabaho."Bwiset ka, Xandros! Hindi mo pa ako ginisin
"Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya. Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila. Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon. Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako. Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon. Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko. Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to. "What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Agad naman akong napaiwas ng
"Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros. Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to. "Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako. Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako. We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk! "Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae. Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros. "Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kun
Hindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room. Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO. Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin. Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan? At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman! "That's all for today. Meeting adjourned." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya. Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita. Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xand







