Share

4

Author: Admiralzxc
last update Last Updated: 2026-02-08 22:17:34

"Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya.

Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila.

Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon.

Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako.

Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon.

Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon.

Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko.

Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to.

"What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya.

Agad naman akong napaiwas ng tingin bago ako pekeng ngumiti.

"Nice house, Sir," sabi ko.

Hindi naman siya kaagad sumagot pero nanatili siya sa tabi ko kaya naman nilingon ko siya. Agad naman niyang iniiwas ang tingin niya bago siya nagsalita.

"Yeah. But I hate this house...very much," sabi niya bago naglakad.

Hindi naman ako kaagad nakapagsalita nang dahil sa narinig ko, pero hindi ko naman siya masisisi.

Hindi ko rin ata makakayanang tumira sa bahay na 'to matapos ang lahat ng nangyari.

This house witnessed everything.

Five years, five years naging kami. At sa limang taon na 'yon, tatlong taon kaming magkasamang tumira sa bahay na 'to.

We knew nothing better, just lovers who thought we'll end up together...but didn't.

"Come on, girl! Time to have fun!" nagulat ako nang biglang may humila sa kamay ko at saka ako dinala sa mini bar.

May bartender doon na siyang gumagawa ng drinks.

"Ang aga naman natin uminom," sabi ko kay Lirese. Umiling naman siya bago kinuha ang alak na ni-request niya sa bartender.

"Maaga ka d'yan. It's almost eleven PM na kaya! Tara, inom!" sabi niya pa bago binigay sa akin ang baso ng alak.

Napailing naman ako bago ko ininom ang laman no'n. Napakunot naman ang noo ko nang maramdaman ko ang pagguhit ng pait sa lalamunan ko.

"Ayaw ko na!" sabi ko pero hindi nakinig ang babaeng katabi ko at inabutan pa ako ng alak.

"Hindi! Maglalasing tayo tonight!" sigaw niya.

At kasabay ng pagsigaw niya ay ang pagbabago ng ilaw sa loob ng bahay at ang paglakas ng music.

Napailing akong muli bago ko nilagok ang alak na nasa baso ko. I'm not a good drinker at mababa rin ang alcohol tolerance ko, pero susubukan ko siyang sabayan.

Patuloy lang ako sa pag-inom, at nakakailang refill na rin ata ako. Medyo umiikot na rin ang paningin ko at umiinit na rin ang pakiramdam ko.

"Panay ka naman inom. Sumama ka sa'kin!" pag-aya ni Lirese bago niya bahagyang hinila ang kamay ko.

Hindi ko alam kung anong oras na at ilang oras na akong umiinom. Alam ko lang, nililibang ko ang sarili ko mag-isa.

"Ayaw ko sumayaw," sabi ko habang patuloy niyang hinihila ang kamay ko.

Kanina pa nagsasayawan ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko nga sila kilala pero mas mainam na 'to kaysa may makakita sa amin na magkasama ni Xandros.

"Dance! Minsan lang magpa-party si Xandros," sabi ng babaeng kasabay ko maglakad bago ako binitawan sa gitna.

Bigla namang nag-iba ang kanta at naging mas malakas 'yon kaya mas naging maingay ang mga tao.

Natawa naman ako nang mahina nang sumigaw si Lirese at sumabay sa vibes ng paligid. Hindi naman na ako nagreklamo pa at gano'n na rin ang ginawa ko.

"Chug! Chug! Chug!" sigaw bigla ni Lirese na ngayon ay may hawak ng bote ng alak.

"Open your mouth!" sigaw niya sa akin kaya naman ginawa ko. Ramdam ko naman ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko.

Hindi ko alam ilang minuto o inabot ba ng oras na panay lang kami sayaw sa gitna ni Lirese. May ilan na rin akong nakausap at nakatawanan dahil kaibigan din naman sila ng babaeng kasama ko.

"Wait. Pahinga lang ako, nanakit mga paa ko," sabi ko.

Hindi ko naman na hinintay pa ang sasabihin ni Lirese at umalis na lang ng tuluyan.

Umiikot na ang paningin ko at ano mang oras ay maaari na akong mabuwal pero kaya ko pa naman.

"Sh*t," untag ko bago ako naupo sa stool sa tapat ng mini bar at sinapo ang ulo ko.

Ito ata ang unang beses na nakatagal ako sa inuman, at unang beses din na uminom ng ganito karami.

"Hi, Miss. Are you with someone?" narinig kong sabi ng isang lalaki sa tabi ko kaya mabilis ko siyang nilingon.

Tumaas pa ang kilay ko nang makita kong sa akin siya nakatingin.

"Wanna dance?" tanong niya. Tinaas ko naman ang kamay ko at saka ko iwinasiwas bilang sagot.

Natawa siyang muli bago hinawakan ang kamay kong nakataas kaya mabilis ko siyang nilingon.

"Hey, don't touch me!" sabi ko. Itinaas naman niya ang kamay niya bago siya ngumiti.

"Chill. I just want us to be friends," sabi niya.

Hindi naman ako sumagot at um-order na lang ng isa pang baso ng alak sa bartender.

"Kaya mo pa ba? Parang anytime babagsak ka na," komento niya kaya tinignan ko siyang muli bago ko nilagok ang laman na alak ng basong hawak ko.

"Hindi ako nagpapaligaw, okay? Ayaw ko rin makipaglandian, kaya pwede ba?" masungit na sabi ko kaya natawa siya.

"Okay, I respect that. But do you want to dance?" tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ang kulit mo?" tanong ko pa pero napaiwas ako ng tingin nang makita kong nakatingin sa gawi ko si Xandros.

Bahagyang nakataas ang kilay niya habang kausap niya 'yong babaeng sumalubong sa amin kanina sa pinto.

"You know what, dancing sounds fun," sabi ko bago ko hinila ang kamay ng lalaking katabi ko.

Halata namang nagulat siya sa biglaang paghila ko sa kamay niya pero hindi na siya nagreklamo.

Sumayaw kami sa gitna kasabay ng iba. May hawak pa kaming baso ng alak sa kamay namin.

"You sure na ayaw mo ng fling?" narinig kong bulong ng lalaki. Natawa naman ako bago ako lumapit sa tenga niya para bumulong.

"Why? You like me?" tanong ko.

Hindi ko alam pero hindi ko na nagugustuhan ang tono ng pananalita ko. Alam ko ring tinamaan na ako ng alak pero hindi ko matigilan ang ginagawa ko dahil naiinis ako. Naiinis ako!

Napatingin akong muli sa gawi ni Xandros at nakita kong nakasandal siya sa pader habang nakatingin sa akin.

Walang emosyon ang mga mata niyang titig na titig sa mga mata ko. Habang 'yong babae namang kausap niya ay nakahawak sa balikat niya at sumasayaw sa harapan niya.

Napaiwas ako ng tingin.

Bastos na lalaki. May babae sa harapan niya pero sa iba nakatingin.

"Hmmm. You want us to go private?" bulong niya.

Hindi naman ako kumibo at patuloy lang na sumayaw hanggang sa may naramdaman akong matigas sa likuran ko.

Naramdaman ko pa ang paghawak ng lalaki sa bandang balakang ko kaya mabilis ko siyang nilingon.

"Hey, hands of---!" hindi ko na naituloy ang sana ay sasabihin ko nang bigla na lamang may isang matigas na kamay ang humawak sa balakang ko bago ako hinigit papunta sa kan'ya.

"Too close. That's enough," walang emosyong sabi niya bago ako hinila nang tuluyan paangat sa second floor.

Hindi naman na ako nagreklamo pa at nagpatianod na lang ako hanggang sa ipasok niya ako sa loob ng isang kwarto.

Isinandal niya pa ang likuran ko sa likod ng pinto matapos niyang isara 'yon at saka ako ikinulong gamit ang mga kamay niyang nasa gilid ko.

"Is this your way of saying your f*cking 'welcome back' to me?" walang emosyong sabi niya pero kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Bakit? Naiinis ka ba?" panghahamon ko.

Natawa naman siya at akma na sanang muling magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Napakunot pa ang noo ko. Dahil sa pagkakaalala ko ay iniwan ko ang bag ko sa loob ng sasakyan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago lumayo sa akin at nakapamulsang pumunta sa bedside table at kinuha ro'n ang bag ko.

Mukhang naintindihan niya naman ang pagkalito sa mukha ko kaya siya nagsalita.

"I brought it," sabi niya lang bago binigay sa akin ang bag ko.

Napaiwas naman ako ng tingin bago ako napaayos ng tayo. Nasa harapan ko pa rin siya kaya amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko bago ko tinignan kung sino ang tumatawag.

Agad ko namang sinagot ang tawag nang makita kong si Kyle 'yon.

"H-Hi, Mahal ko. Bakit?" bungad ko.

Nakatingin ako sa ibang parte ng kwarto pero kita ko sa peripheral vision ko kung papaano kumunot ang noo ni Xandros.

"I miss you, mommy," sabi ni Kyle sa kabilang linya.

"I miss you too, mahal. Busy ako ngayon, pwede bang mamaya na tayo mag-usap?" tanong ko bago ko nilingon si Xandros na ngayon ay nakapamulsa na ang mga kamay at nakatingin sa iba.

"Sige po, mommy. I love you," sabi ng anak ko kaya napangiti ako nang bahagya.

"I love you too," sagot ko bago ko pinatay ang tawag.

Napalunok pa ako bago ako huminga ng malalim.

Lumingon naman sa akin si Xandros. Nakita ko pang nakabukol sa pisngi niya ang kan'yang dila na ginagawa niya lamang kapag nagtitimpi siya.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Hanggang sa nakita ko ang pag-iling niya.

"This is embarassing. I wouldn't want to commit myself on infidelity," sabi niya na siyang dahilan ng pagkunot ng noo ko kaya napatingin ako sa kaliwang kamay niya.

Napaiwas naman ako ng tingin nang may nakita ako roong singsing.

Napalunok pa ako nang ma-realize kong tama nga ang hinala ko. Kasal na siya, mukhang ikinasal na nga siya.

"Y-Yeah. S-Sorry, sir. This is wrong. Secretary mo ako, at saka wala naman tayong maling ginagawa, 'di ba?" tuloy-tuloy na sabi ko.

Tinitigan ko pa siya sa mata. Nakita ko ang walang emosyong mga mata niya bago niya inilagay ang daliri niya sa labi niya at saka siya huminga ng malalim at napatingala.

"F*ck's sake," narinig kong bulong niya bago niya ako tinignan sa mata.

"Let's cut this. Starting today, I am just your boss and you are just my secretary. No more, no less."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding Xandros' Son   4

    "Xandros! Wow! Ngayon na lang ulit kita nakita!" masayang bungad ng isang babae kay Xandros nang pumasok kami sa pinto ng bahay niya. Napaiwas pa ako ng tingin bago ako bahagyang naglakad papalayo sa kanila. Inilibot ko rin ang paningin ko dahil baka may makakita sa akin dito na kakilala namin noon. Sa tagal kasi namin ni Xandros, maraming nakakaalam na nagkaroon kami ng relasyon. At ayaw ko namang isipin ng iba na naging secretary ako sa Tan Traders dahil may kapit ako. Hindi ko naman kasi alam na ang kompanya pala na pagma-may-ari nila ay ang pinagtatrabahuan ko ngayon. Wala naman kasi akong pakialam sa pera at buhay na mayroon si Xandros noon. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakapasok ako sa pinaka loob ng bahay. Napalunok pa ako bago ko inilibot ang paningin ko. Ni-isa, kahit isa, wala man lang nagbago sa bahay na 'to. "What are you looking for?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Agad naman akong napaiwas ng tingin

  • Hiding Xandros' Son   3

    "Congratulations, Mr. Xandros on your appointment as the next CEO of Tan Traders! I heard a lot of good things about you," sabi ng isang babae sabay haplos sa braso ni Xandros.Halos umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. Halata namang hindi lang pagbati ang gusto niyang gawin kay Xandros, halata namang nilalandi niya 'tong lalaking 'to. At mukhang gusto rin ng isang 'to."Thanks. And I'm glad you only heard good things about me. I'm afraid that there is someone trying to throw dirts on my name," makahulugang sabi ng lalaking nasa unahan ko kaya napaismid ako.Bahagya niya pa akong tinignan kaya halos mapanganga ako.We've been for years, and I know him very well! I know kung kailan siya sarcastic or just being a jerk!"Wala naman sigurong gagawa no'n sa'yo. Mukhang mabait ka naman, at gentleman," malanding sagot pa rin ng babae.Napailing naman ako bago ako naglakad palapit kay Xandros."Excuse me. I'll just go there, sir," sabi ko bago ko itinuro ang mesa kung saan nakaup

  • Hiding Xandros' Son   2

    Hindi ako mapakali habang nakatayo hindi kalayuan sa pinto ng conference room.Kanina pa on-going ang meeting at tungkol lang 'yon sa appointment ng bagong CEO.Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa lalaking walang emosyong nakaupo sa dulo at nakikinig sa nagsasalita sa harapan.Napaiwas naman ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa.Tumaas pa ang isang kilay niya kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin.Sh*t. Bakit siya pa kasi ang papalit kay Mr. Tan?At bakit siya pa kasi ang naging apo ng boss namin? Nakakainis naman!"That's all for today. Meeting adjourned."Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Tan. Nagtayuan na rin naman ang mga boardmembers at nakipagkamay sa lalaking nakatayo na rin ngayon katabi ng lolo niya.Napairap ako. Hindi ko inakala na siya pala ang papalit sa boss ko. Hindi ko inakala na sa kompanyang 'to pa kami muling magkikita.Napahinga ako ng malalim dahil official ng CEO si Xandros. Pero mamaya pa

  • Hiding Xandros' Son   1

    "Mommy, work ka ulit?" tanong ni Kyle, ang anak ko."Opo. Kailangan ni mommy mag-work kasi malapit ka na mag-aral, eh," sabi ko bago ako ngumiti sa anak ko.Five years old pa lamang si Kyle pero hindi katulad ng ibang bata, mas malawak ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay."Pagbalik mo po ba mommy may books si Kyle?" inosenteng tanong niya sa akin.Napangiti naman ako bago ako tumango bilang pagsagot. Mas mahilig din siya sa mga libro kaysa sa mga laruan."Samira, ihatid ka pa ba namin sa sakayan, anak?" tanong ni nanay na siyang nag-aalaga sa anak ko.Umiling naman ako bago ako nagsalita at iniabot sa kan'ya ang sobre ng pera."Hindi na, nay. Kailangan ko na rin kasing umalis dahil ngayon ipapakilala ang apo ng boss namin sa trabaho," sabi ko bago ako ngumiti at tumingin sa anak ko."Kyle, be good to nanay-lola, okay?" sabi ko.Tumango naman siya kahit na halata sa mga mata niyang naluluha na siya dahil iiwan ko na naman siya rito."Opo, mommy. Hindi ako magkukulit, promise," sagot

  • Hiding Xandros' Son   Prologue

    "Please," bulong ko habang nararamdaman ko ang patuloy na paggalaw niya sa loob ko.Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Hindi ito ang unang beses na ginawa namin 'to. Sa loob ng limang taon, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na namin itong nagawa......pero iba ang pagkakataon na ito."Babe..." namamaos na ungol niya habang patuloy pa rin siya sa paggalaw. Hinawakan niya pa ang balakang ko upang mas bilisan pa ang kan'yang pagbayo.Napalunok naman ako bago ako napakapit ng mahigpit sa kan'yang likuran. Hindi ko na alam kung saan ko dapat ilugar ang ulo ko."Tignan mo ako sa mata, babe," bulong niya bago ako hinalikan at saka tinitigan ako sa mata, kaya gano'n din ang ginawa ko.Kita ko na puno 'yon ng iba't-ibang uri ng emosyon. At kita ko rin na nasasarapan siya sa kung ano mang ginagawa namin ngayon."Ah.." untag ko nang maramdaman kong malapit na ako. Dama ko rin ang pagbilis ng paggalaw niya sa ibabaw ko at ang p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status