LOGINCHAPTER 2:
"Yow dude! Nandito ka lang pala. Kung saan-saan ka pa namin hinahanap ni kambal." Travis McCain. Isa sa mga kabarkada ko. "Bakit niyo ako hinahanap?" Tanong ko na hindi tumingin sa kanila. Naghahanap kasi ako ng trabaho dito sa classified ads. "Teka, ano ba yang binabasa mo?" Travis pa rin. "Naghahanap ka ba ng trabaho?" Trivor McCain ang kakambal ni Travis. The man of few words. "Natanggal kasi ako sa trabaho kahapon. Teka, bakit niyo ba ako hinahanap?" This time nakatingin na ako sa kanila. "Aahh! Wala kasi tayong pasok sa accounting ngayon kaya naisipan namin ni kambal na mag-arcade tayo." Masiglang sabi ni Travis. "Arcade? Sama ako." Biglang sulpot ni Valerie Florencio sabay tabi sa akin. "Kayo nalang. May gagawin pa ako." Maghahanap pa kasi ako ng trabaho at isa pa ayaw kong makasama si Valerie napaka-clingy. "CC naman pwede mamaya mo nalang gawin yang gagawin mo. Let's have some fun my treat." Valerie said sabay kapit sa braso ko. Di ba napakaclingy? "Ayun libre daw ni Val. Come 'n Chris just give yourself a break." Tss. Porket mayayaman tong mga to. May break, break pang nalalaman. "Tss." Trivor. "Sige na CC. Sumama ka na sa amin. Promise ngayon lang to." *pout* Tss. Ayan na naman yang pout niya. "Sige na, ngayon lang to." Tinupi ko yung news paper at pinasok ko sa bag. "Yeah! Thank you CC. Sige, hintayin niyo ako sa parking lot may kukunin lang ako sa locker." Paalam ni Valerie sabay kiss sa pisngi ko. Walang malisya naman yung paghalik niya, parang nakakabatang kapatid ko si Valerie. "Ang tindi talaga ng tama ni Valerie sayo bro." Travis. "Hindi naman ako titigilan nun hangga't hindi ako napapayag." Hindi talaga ako titigilan ng isip batang yun. "Hoy! Ano pang ginagawa niyo? Tara na sa parking lot." Trivor. Sungit talaga nitong lalaking to parang laging may dalaw. ----- "WOOAH! Ang galing mo CC!" Sabi ni Valerie sabay yakap sa akin. "Nakatsamba lang yang si Chris." Bitter na sabi ni Travis. Ayaw kasing tanggapin ang pagkatalo. Paramihan kasi kami ng shot ni Travis sa basketball at ako ang panalo. "Talo ka lang kaya ka bitter diyan. Hahaha." Panunudya ni Valerie. "Dun tayo sa UFO catcher oh! Sigurado akong matatalo na kita Chris. Hahaha." Panghahamon ni Travis na siya namang ikinatawa ng kambal niyang si Trivor. "Tara! Tingnan natin hanggang saan ang tapang mo." Sabi ni Valerie at nauna na siyang maglakad papunta dun sa UFO catcher. Tss. Parang siya yung maglalaro. Anyway ang UFO catcher, eh yung may joy stick tapos may button sa gilid. Gagalawin mo ang joy stick tapos pipindutin yung button para makakuha ng stuff toys tapos ihuhulog dun sa gilid may butas then lalabas na yung stuff toy. Ganun kasimple yun pero bago ka maglaro. Siyempre huhulugan mo muna ng coin token para gumana. "Mauna ka na Travis. Kawawa ka naman kasi." Pang-aasar ni Valerie. Habang seryoso at pursigidong naglalaro si Travis, si Valerie naman ay dini-distract siya. Tss. Parehong mga isip bata. "Bro, paano na kayo ng nanay mo niyan?" Napalingon ako kay Trivor na nasa tabi ko. Kahit masungit ang isang to, concern pa din siya sa mga kaibigan at kakambal niya. Kaya masaya akong naging kaibigan sila ng kakambal niya. "Maghahanap ulit ng trabaho." Yan naman talaga ang unang iisipin ng mawalan ng trabaho, ang maghanap ulit. "Bro, may pinsan ako na nangangailangan ng karagdagang tao sa coffee shop niya. Medyo malapit lang yun sa tinitirhan niyo ng nanay mo. Kakausapin ko yung pinsan ko." Trivor. "Sige bro. Salamat." "Walang anuman bro. Sino pa ba ang magtutulungan?" Trivor. Mayamaya natapos ng maglaro ang dalawang isip bata at isa sa kanila ay walang nakuhang stuff toy kaya ang mukha nilang dalawa parang bumagsak sa accounting. HAHAHA. Tumawa nalang kami ni Trivor sa itsura nilang dalawa.EPILOGUE 1 Year Later Chris POV Minsan iniisip ko kung paanong nagbago ang buhay ko sa loob lamang ng isang taon. Parang kahapon lang nang mawalan ako ng trabaho. Nawalan ng scholarship. Nawalan ng nanay. Parang sunod-sunod na dagok na halos hindi ko na kinaya. Akala ko noon, iyon na ang katapusan ng lahat. Pero hindi pala. Sa gitna ng lahat ng sakit at pagkawala, dumating ang mga bagay na hindi ko inaasahan—mga bagay na tuluyang nagbago sa takbo ng buhay ko. Nakilala ko ang babaeng hindi ko akalaing magiging mundo ko. Nag-asawa ako ng isang mafia boss. Nalaman ko ang totoong nangyari kay tatay. Nag-training ako, natutong lumaban, at nakaharap ang mga taong akala ko'y hindi ko kailanman kayang tapatan. May mga taong nawala. May mga laban na kailangang tapusin. At sa huli, natapos din ang giyera. Pero sa lahat ng nangyari, may isang biyayang dumating na higit sa lahat. Ang pagdating ni Baby Yassy sa buhay namin. Isang taon na rin ang nakalipas mula nang matapos ang lah
Di napigilang umiyak ni Valerie dahil nasigawan siya ng Daddy niya. Nakarinig naman sila ng putok ng baril mula sa labas, nagkaroon ng pagkakataon si Salvatore ng makaalis sa kinatatayuan niya. Nakipagpalitan rin ng putok si Salvatore at ang mga tauhan niya sa mga tauhan ni Courage, pati na rin sina Heinz, Clay, Suzane, Travis at Chris. Si Trivor at ang iba pa nilang tauhan ay nakipagpalitan rin ng putok sa mga tauhan ni Salvatore sa mansyon. Nang napalibutan na nina Chris si Salvatore, binigyan ito ni Chris na pagkakataong sumuko pero hindi nakinig si Salvatore. "MAMAMATAY MUNA AKO BAGO SUMUKO SA INYO!" Matigas na sabi ni Salvatore atsaka pinaputukan ng baril si Chris pero biglang may sumalo ng bala na para sana kay Chris. "VALERIE!" Sigaw ni Chrirg ng makita niyang bumagsak na ito. Agad namang nakahanda ang mga kasamahan ni Chris para barilin din si Salvatore pero huli na. Binaril na ito ni Courage sa di kalayuan at bumagsak ito. Tinamaan kasi ito sa may puso. "O-okey ka la
Author's POV Judgment Room... Umandar na naman ang mapaglarong Clay habang hinihiwa niya si Diego sa braso habang na nakatali ang magkabilang kamay. May pagkabrutal din kasi tong si Clay at nasisiyahan siyang nakakita na umaagos na dugo. "TAMA NA! MAAWA NA KAYO!" Nagsisisigaw naman si Valerie sa gilid. Di na niya kasi kayang makita ang pinaggagawa ni Clay kay Diego, naging kaibigan din niya ito at naiisip niyang ginagawa din nila to sa kanyang kapatid. "Wag kang mag-alala di ko din naman papatagalin ang buhay nito." Sabi ni Clay na ngayon ay hinahanda na ang kanyang baril. Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay. Mas lalo siyang nagpupumiglas mula sa pagkakatali niya. Hindi niya gustong makita na may mamatay na kaibigan niya at sa kanyang harap pa mismo. "Any last word sa iyong pinakamamahal?" Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay at napatingin siya kay Diego na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. "Mahal na mahal kita, Val--." *BANG* Hindi na pinatapos ni Clay ang
Still Valerie’s POV “WELCOME TO THE JUDGMENT ROOM!” malakas na sigaw ng lalaki habang bumukas ang mabigat na pintuan sa harapan ko. Malamig ang hangin sa loob ng silid. Madilim, at ang ilaw ay nakatutok lamang sa gitna kung saan may isang metal na upuan na tila matagal nang ginagamit sa pagpapahirap ng mga bihag. Ang mga dingding ay puno ng gasgas, at may mga bakas ng dugo na hindi man lang tinangkang linisin. “Ang tagal din nating hindi nagamit ang kwartong ito,” sabi ng lalaki na tila aliw na aliw. “Sino nga ba yung huli nating pinarusahan dito?” Nilingon niya ang babaeng nakatayo sa gilid ng silid. Abala ito sa paglalaro ng dart. Walang emosyon ang mukha niya habang isa-isa niyang inihahagis ang mga matutulis na dart sa target na nakapako sa dingding. “Hmmm… sino nga ba?” sagot ng babae, tila nag-iisip pa habang paikot-ikot ang hawak na dart sa kanyang mga daliri. Napahawak ang lalaki sa kanyang baba na parang nagbabalik-tanaw sa nakaraan. Pagkatapos ay sabay silang nagsali
CHAPTER 43: Still Valerie's POV "Ano ngayon kung anak siya ni Hector Salvatore? Papatayin niyo rin ba siya gaya ng ginawa niyo kay Christian Salvatore?" Sabi Diego at nilagay niya ako sa likod niya. Nakatingin lang ako kina Travis at Trivor. Hanggang ngayon di pa rin nagsisink-in sa utak ko nakalaban sila ng daddy ko. So, Si Chris nalang ang natitirang kaibigan ko na mahal ko rin. Sobrang na akong kinakabahan ng bumunot ng baril yung lalaki atsaka tinutok sa amin ni Diego. "Kinakausap ba kita? At bakit ganyan ka makapagreact anak ka ba ni Salvatore o mahal mo ang babaeng yan?" Bigla akong natigilan sa sinabi nong lalaki. Hindi umimik si Diego at yumuko nalang. "Ngayong kinakausap kita ayaw mong sumagot." Bigla niyang binaril si Diego sa binti kaya napaluhod ito. Agad kong dinaluhan si Diego. "ANG SAMA NIYO!" Di ko napigilang sumigaw. Ang sama nila, hindi nga lang nanlaban si Diego binaril pa niya. "Bakit yung ama mo ba hindi masama?" Inaamin kong masama ang ama ko pero dahil
CHAPTER 42: Courage's POV I'm very thankful that Baby Yassy came to our lives. She added the color of my life, ADDED cause Chris put the colors on it. And I do everything just to protect them, my family. "Hello Baby Yassy! Do you miss daddy? Don't worry he'll be home later." Tuwang-tuwa naman siya inabot-abot ang daliri ko, nakahiga kasi siya sa crib niya. "Boss, pinapatawag niyo po raw ako?" It's Heinz. Si Heinz muna ang pinahawak ko sa underground business transactions namin at linggo-linggong nagrereport sa akin. Kahit hands on ako sa pag-aalaga kay Baby Yassy di ko parin pinapababayaan ang underground business namin. "Kamusta yung pinag-uutos ko sayo?" Maliban sa underground business, inutos ko rin kay Heinz na imbestigahan ang anak ni Hector Salvatore. Mas nauna ko ngang nalaman kay Trivor kung sino ang anak ni Salvatore at pinapasundan ko ito araw-araw. Hindi ko nga lang sinabi sa kanila dahil alam kong matalik nila itong kaibigan. "Gaya po ng pinag-uutos niyo, pinapasu







